Pormal na naglabas ng opisyal na pahayag ang sikat na pizza restaurant chain na inireklamo ni TV5 news anchor Julius Babao matapos matanggap ang kanilang inorder na pizza.
Ayon sa social media posts ni Julius, Linggo, Agosto 7, kitang-kitang naluto umano ang nakabalot na plastik sa ibabaw nito, at dumikit na nang tuluyan sa pizza.
"Look @shakeysph yung pizza na inorder namin niluto ng may PLASTIC!!!! Buti di namin nakain!" pahayag ni Julius sa caption kalakip ang video. Naka-tag dito ang social media accounts ng pizza resto chain gayundin ang Department of Trade and Industry o DTI.
Sa comment section naman ay nagkomento ang misis ni Julius na si Kapatid news anchor Christine Bersola-Babao.
"Ang careless ng branch kung saan nag-order tayo. Dapat chine-check mabuti. Kulang sa Quality control," aniya.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/08/reklamo-ni-julius-babao-sa-isang-pizza-restaurant-yung-pizza-na-inorder-namin-may-plastic/">https://balita.net.ph/2022/08/08/reklamo-ni-julius-babao-sa-isang-pizza-restaurant-yung-pizza-na-inorder-namin-may-plastic/
Marami ang humikayat sa mag-asawa na magsampa ng pormal na reklamo upang matiyak ulit ang kalidad ng kanilang produkto.
Sa tweet version naman ng post ni Julius ay tumugon na ang naturang pizza parlor, na originally ay mula sa ibang bansa.
"Our sincerest apologies Mr. Julius Babao. Rest assured that we are currently undergoing a thorough and fair investigation regarding this unfortunate incident. We appreciate you responding to our message and taking our call. We commit to making this right for you. Thank you."
Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/08/reklamo-ni-julius-babao-sa-isang-pizza-restaurant-yung-pizza-na-inorder-namin-may-plastic/">https://balita.net.ph/2022/08/08/reklamo-ni-julius-babao-sa-isang-pizza-restaurant-yung-pizza-na-inorder-namin-may-plastic/
Nagkomento naman ang mga netizen dito at sinabing dapat i-check ng pizza parlor ang kalidad ng kanilang produkto.
"Thank you for raising this with us. Please be advised that our team is already on top of this. Thank you for understanding," tugon nila.
Bukod dito, naglabas na rin ng pormal na pahayag ang Shakey's at humingi ng dispensa kay Babao.
"We at Shakey's are grateful to Mr. Julius Babao for calling our attention to an oversight that occured to his delivery order from one of our stores. We acknowledge that we made a mistake, and we will take this as an opportunity to learn and do better," saad sa unang talata.
Agad naman daw silang umaksyon upang mapalitan ang bad order na naunang natanggap ni Babao.
Sa ikatlong talata, sinasabing nagkamali umano ang isa sa mga staff. Nakalimutan umano nitong tanggalin ang glassine sheet na nasa ibabaw ng pizza crust.
"Quality, safety and guest satisfaction are of utmost importance to Shakey's. Rest assured that we take this as an opportunity to reinforce our training, systems, and procedures to prevent incidents like this from happening again, to any of our guests."