Nagpahayag ng "deep concern" si Senador Risa Hontiveros kay Walden Bello matapos maiulat na inaresto ito ng pulisya dahil sa kasong cyber libel. 

"I would like to express deep concern over the arrest of former Akbayan Rep. Walden Bello, a longtime comrade and friend," panimula ni Hontiveros sa kaniyang tweet nitong Martes, Agosto 9.

"Walden is a leading public intellectual and a steadfast campaigner for justice and human rights. Critical voices like his are essential to any democracy," dagdag pa niya.

Paglalahad pa ng senadora, kailangan daw ng bansa ang mga taong kagaya ni Bello. 

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

"While Walden and I could sometimes disagree, he will always have a special place in my heart. Now more than ever, we need more people like him, whose genuine commitment to freedom and democracy is beyond question," aniya.

Nanawagan din siya sa administrasyong Marcos na magkaroon ng "fair and transparent" na imbestigasyon. 

https://twitter.com/risahontiveros/status/1556817944075988992

Nitong Lunes, inaresto ng pulisya si Bello dahil sa kasong cyber libel.

Kinumpirma ito ng kanyang staff na si Leomar Doctolero at sinabi na ang kaso ay nag-ugat sa reklamo ni dating Davao City information officer Jefry Tupas.

Bago ang pag-aresto kay Bello sa kanyang bahay sa Quezon City dakong 4:00 ng hapon, kinasuhan muna sa korte si Bello noong Hunyo 9 dahil sa paglabag sa Revised Penal Code at Cybercrime Prevention Act of 2012.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/08/08/dating-vice-presidential-bet-walden-bello-timbog-sa-cyber-libel-sa-qc/