Nagbigay ng mensahe ang dating Vice President ng Pilipinas at chairperson ngayon ng Angat Buhay Foundation na si Atty. Leni Robredo sa mga bumubuo ng pelikulang "Katips" ni award-winning director-writer-producer na si Atty. Vince Tañada, at katapat ng pelikulang "Maid in Malacañang" ni Darryl Yap, Agosto 8, 2022.

"OMG! Look: Nanawagan si citizen Atty. Leni Robredo sa lahat ng #katips na manood na sa sinehan. Wag kalimutan na magsama para mas maraming makaalam sa tunay na mensahe ng #katipsTheMovie," ayon sa caption.

Ayon kay Robredo, napapanahon at mahalaga ang mensahe ng pelikula lalo na sa panahon ngayong binabago at binabaluktot ang kasaysayan sa pamamagitan ng kasinungalingan. Makikita sa opisyal na Facebook page ng Philippine Stagers Foundation ang 29 segundong video nito.

"Hello sa lahat ng bumubuo ng Katips. Congratulations sa inyo for this wonderful piece," bungad ni Atty. Leni na nakasuot ng pink attire.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

"Mahalaga ang mensaheng dala ng inyong pelikula, lalo na sa panahong pilit na binabago at inililihis ang kasaysayan, at marami sa ating mga kababayan ang napapaniwala sa mga kasinungalingan. You are yet another proof that art is integral in the way we shape the world. Patuloy lang sa paglikha! Maraming salamat sa inyong lahat!"

Ibinahagi naman ni Johnrey Rivas, Best Supporting Actor ng 70th FAMAS, ang naturang mensahe ni Atty. Leni.

Ibinahagi rin ito ni Atty. Vince, na siya namang Best Actor at Best Director.

"Wow! Look: Atty. Leni Robredo on #KatipsTheMovie huwag ng papahuli pa! Nood na!"