Kinondena ni dating Bayan Muna Rep. Neri Colmenares ang pagkakaaresto ni dating vice presidential candidate Walden Bello noong Lunes ng hapon, Agosto 8.

"I condemn the harassment and intimidation being done to Walden Bello and others who speak truth to power," saad ni Colmenares sa kaniyang tweet nitong Martes, Agosto 9.

"It seems the tyranny unleashed by the Duterte regime not only extends but might be getting even worse under the Marcos 2.0 government," dagdag pa niya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

https://twitter.com/ColmenaresPH/status/1556793887674740737

Ang nasabing tweet ay may mga hashtag na #HandsOffWaldenBello at #FreeWaldenBello

Inaresto ng pulisya si Bello dahil sa kasong cyber libel.  Kinumpirma ito ng kanyang staff na si Leomar Doctolero at sinabi na ang kaso ay nag-ugat sa reklamo ni dating Davao City information officer Jefry Tupas.

Bago ang pag-aresto kay Bello sa kanyang bahay sa Quezon City dakong 4:00 ng hapon, kinasuhan muna sa korte si Bello noong Hunyo 9 dahil sa paglabag sa Revised Penal Code at Cybercrime Prevention Act of 2012.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/08/08/dating-vice-presidential-bet-walden-bello-timbog-sa-cyber-libel-sa-qc/

Samantala, nagpahayag din si Senador Risa Hontiveros hinggil sa pagkaaresto ni Bello.

“I would like to express deep concern over the arrest of former Akbayan Rep. Walden Bello, a longtime comrade and friend,” panimula ni Hontiveros sa kaniyang tweet nitong Martes, Agosto 9.

“Walden is a leading public intellectual and a steadfast campaigner for justice and human rights. Critical voices like his are essential to any democracy,” dagdag pa niya.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/08/09/sen-hontiveros-sa-pagkaaresto-kay-bello-critical-voices-like-his-are-essential-to-any-democracy/