Magsasagawa ng job fair ang Manila Bulletin sa Biyernes, Agosto 12, simula 9 a.m. hanggang 5 p.m., sa Tent City ng Manila Hotel.
Layunin ng job fair na suportahan ang mga negosyong muling nagbukas at ngayo'y muling isinasaayos ang kanilang workforce para makapaghatid ng mas maraming produkto at serbisyo sa publiko.
Nais din nitong tulungan ang mga fresh graduates, maging ang mga naghahanap ng mga oportunidad na makakuha ng mga trabahong pinakaangkop para sa kanila.
Sinabi ni MB Head of External Affairs and Human Resources Barbie Atienza na ang MB Job Fair 2022 ay magsisilbi sa parehong mga prospective employer at empleyado habang ang bansa ay patuloy na umaahon mula sa limitasyon na dulot ng Covid-19 pandemic.
“We are in coordination with more than a dozen schools to help us reach out to their graduates and graduating students to come and participate. Meanwhile we are likewise inviting companies from various industries to open their doors and entertain applicants during the job fair for possible placement,” ani Atienza.
Ayon kay MB Senior Assistant Vice President for Sales Ruben Bulaong na inimbitahan ng MB ang ilang mga kumpanya, lalo na ang mga kliyente sa MB Classified Ads, na pumunta at makiisa sa aktibidad na ito.
“We do expect more than a dozen or two of them to participate. We hope to have companies from the hotel, banking, BPO and various industries join the Job Fair,” ani Bulaong.
Nangangahulugan na maraming posisyon ang maibibigay sa naturang job fair. Katulad ng writers, graphic artists, researchers, hotel personnel tulad ng front desk, officer, waiter, housekeeping, engineer, bank teller, encoder, at marami pang iba.
Ang imbitasyon ay bukas sa lahat ngunit mahigpit na ipinatutupad na magpre-register muna bilang pagsunod sa mga safety protocols.
Maaaring magparehistro ang mga jobseekers sa pamamagitan ngmbjobfair.mb.com.ph. Matapos punan ang online information sheet at pag-attach ng soft copy ng resume, isang kumpirmasyon ang ipapadala na may kaukulang applicant code at time slot sa bawat aplikante.
Ang mga aplikante ay hinihiling na magsuot ng business attire at kinakailangang magpakita ng kanilang vaccination card at iba pang kaukulang dokumento tulad ng SSS, Pag-IBIG, at PhilHealth.