CONCEPCION, Tarlac -- Arestado kasama ang dalawang alipores ang notoryus lider ng Randy Ponce gun for hire group sa Brgy. Talimundouc, San Miguel, Concepcion nitong Lunes.

Kinilala ng Tarlac Police ang mga suspek na sina Randy Ponce, 45; Paulo Evangelista, 43, kapwa tubong Brgy. San Juan Baño, Arayat; at Arman Maniacop Sr., 44, tubong Lacquios, Arayat ng Pampanga.

Ang umano'y mga miyembro ng Randy Ponce gun for hire group ay nag-ooperate sa probinsya ng Tarlac at Pampanga.

Sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Reynold Macabitas, Chief of Police ng Concepcion Police, sinabi nito na nagsagawa ng buy-bust operation ang kanyang mga tauhan sa Brgy. Talimundouc, San Miguel, Concepcion, Tarlac na nagresulta sa pagkakadakip sa pinuno ng grupo kasama ang kanyang dalawang iba pang kasamahan.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nahuli ang grupo sa aktong nagbebenta ng isang cal. 45 Norinco 1911 na may magazine na kargado ng apat na live ammunition sa isang pulis na umaktong bumibili ng baril kapalit ng Php5,000.00 marked money.

Narekober mula sa pinuno ang marked money at isang hand grenade habang narekober sa kaniyang dalawang kasabwat ang isang cal. 45 Norinco 1911 na may magazine na kargado ng limang live ammunition, isang cal. 45 Armscor na may magazine na kargado ng tatlong live ammunition at dalawang hand grenade.

Dinala ang mga suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya sa Concepcion Police para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.