Muli na namang ipinutong ni self-proclaimed “Queen SawsaweRRa” RR Enriquez ang kaniyang korona, at nagbigay ng reaksiyon sa tweet ng beteranong aktor na si Jaime Fabregas sa pagtutol nito sa mungkahing muling pagbabalik ng Mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) sa kolehiyo.
"Teach the children to love their country and you won’t need to send them to ROTC! They will defend HER with everything they have!!," ayon sa tweet ni Fabregas noong Agosto 3.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/09/batikang-aktor-na-si-jaime-fabregas-kontra-sa-rotc-teach-the-children-to-love-their-country/">https://balita.net.ph/2022/08/09/batikang-aktor-na-si-jaime-fabregas-kontra-sa-rotc-teach-the-children-to-love-their-country/
Matatandaang isa sa mga mungkahi noon ni Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte na ibalik ang ROTC at CAT sa mga paaralan. Ilang mga mambabatas din ang sumang-ayon dito.
Sa kaniyang Facebook post noong Linggo, Agosto 7, ibinahagi ni RR ang pubmat ng pahayag ni Jaime at kinomentuhan ito, kahit na nasa Chiang Mai, Thailand siya, batay sa lokasyon ng kaniyang post.
Aniya, sang-ayon naman siya sa sinabi ng batikang aktor na kailangang turuan ang mga bata na mahalin ang bansa, o tinatawag na "nasyonalismo".
Sa kabilang banda, iba naman daw ang konsepto na marunong ipagtanggol ng mga mamamayan ang bansa, kung sakaling sakupin ito, kagaya ng nangyaring kolonyalismo sa Pilipinas ng mga Espanyol, Hapones, at Amerikano.
"Excuse me Sir!! I agree with you by teaching children to love your country. But loving your country is not enough…If you don’t know how to fight, how can you defend your country??" saad ni RR.
Sinitas pa ni RR ang bibliya.
"In the bible ang mga bata at the age of 12 (if I’m not mistaken tinuturuan na sila) And I believe even until now mandatory 'yan sa Israel…"
"If magkaroon ng giyera your love won't defend you… And hindi porke't walang gulo or walang giyera sa ngayon. Magpapaka-complacent na tayo."
Inihalintulad pa ni RR ang ROTC o paghahanda sa anumang banta ng digmaan sa mga langgam.
"Gayahin natin ang langgam mentality… Nag-iimbak na sila ng pagkain habang wala pang bagyo. Para in times na dumating ang ulan or bagyo, handa sila."
Nabanggit pa ng dating host sa "Wowowee" ni Willie Revillame si "Cardo Dalisay", ang karakter ni Coco Martin sa longest-running teleseryeng "FPJ's Ang Probinsyano" na malapit nang magwakas ngayong Agosto. Si Jaime ang gumanap na "Lolo Delfin" dito.
"Hindi po tayo katulad ni Cardo (Dalisay) na hindi mamatay-matay… Ibahin po natin ang pelikula na madalas ginagawa n'yo na hindi kayo mamatay-matay…"
Sa kabilang banda, mataas pa rin umano ang paggalang ni RR kay Jaime.
"Pero love ko pa din po kayo and I respect you because you are a legendary. #QueenSawSaweRRa #SawSawWithAHeart"
Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag si Jaime tungkol dito.