May "scientific at empirical observation" si GMA trivia master Kuya Kim Atienza patungkol sa kontrobersyal na director at writer ng "Maid in Malacañang" na si Darryl Yap, sa kabila ng maraming mga sinasabing bagay tungkol sa kaniya.
Noong una ay nagbigay-babala siya sa publiko na hindi totoong dean o propesor siya sa paaralang may pangalang "International State College of the Philippines" na isang satirical school page lamang.
"This is a scam, I am not in any way connected to this university if there is one. Be careful FB fam," seryosong babala ni Kuya Kim sa publiko.
Subalit isang netizen ang nagtuwid at nagbigay-kalinawan sa kaniya, at sinabing isang satire page lamang ito. May mga netizen na biniro siyang wala na raw kasi siya sa "Matanglawin", ang award-winning educational show ni Kuya Kim sa ABS-CBN noon, bago siya lumipat sa GMA Network at maging ganap na Kapuso.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/05/kim-atienza-nabiktima-ng-satire-page-this-is-a-scam/">https://balita.net.ph/2022/08/05/kim-atienza-nabiktima-ng-satire-page-this-is-a-scam/
Sa mga sumunod na social media posts ni Kuya Kim ay tila "nahimasmasan" na siya. Niyakap at tinanggap na lamang niya ang birong ito sa kaniya.
"If you can't beat them, join them. Thank you for the honor. Langya kayo you got me," sey ni Kuya Kim.
"Congrats on the page. Kelan face to face, I want to meet my students."
At ang una niyang post tungkol sa pagiging dead/prof ng 'paaralan' ay patungkol nga kay Yap. Napa-sana all na lang ang trivia master dahil napansin daw niyang maraming buhok ang direktor.
"To my students in International State College of the Philippines (E-Youth Council). Many things have been said about Direk Darryl Yap. Ang scientific, empirical observation ko lang, ang dami niyang buhok. #sanaol," aniya.
Bumaha naman ng reaksiyon at komento sa comment section ng kaniyang post.
Ayon sa diksiyonaryo, ang ibig sabihin ng empirical na kadalasang ginagamit na termino sa thesis o iba pang research paper ay, "based on, concerned with, or verifiable by observation or experience rather than theory or pure logic."
Hindi naman tinukoy ni Kuya Kim kung bakit naisipan niyang biruin o banggitin si Direk Darryl, na ilang buwan nang laman ng mga balita.
Ibinahagi naman ni Yap ang balitang ito at kinomentuhan.
"Wala na kong oras magpagupit Kuya Kim Atienza, di naman ako artista! HAHAHA," aniya.