Pinutakti ng mga Kakampink netizen ang aktres na si Jobelle Salvador matapos nitong i-post sa social media noong Agosto 5 ang isa sa mga litrato ng batikang aktres na si Agot Isidro, at magtanong kung si Agot na ba talaga ito.
May nakita raw kasing babaeng namamalimos sa isa sa mga kalsada sa Quezon City ang kaniyang kaibigan, na kamukha raw ni Agot.
"Si Agot ba ito?? My friend told me to check kasi daw kamukha daw nu’ng namamalimos na babae sa C5 na nag-nga-nga-nga… no offense but is this really her?” tanong ni Jobelle. Ibinahagi niya ang isang ulat ng online newspaper na may pubmat at larawan ni Agot.
Marami ang pumuna sa ginawa ni Jobelle dahil tila iniinsulto raw nito si Agot, at gumamit pa ng deskripsiyon na "namamalimos na babae". Kaagad din niya itong binura.
Ayon sa ulat ng Philippine Entertainment Portal o PEP, noong Agosto 7 ay bumuwelta si Jobelle sa lahat ng kaniyang bashers dahil dito.
"I don’t need you to comment on this kasi ide-delete ko lang kayo. I don’t need to know your opinion kung kokontra lang kayo at manggugulo. Una sa lahat, wala akong pakialam kung wala akong project d’yan sa Pinas dahil bragging aside, $$$ at ¥¥¥ ang kinikita ko mga hunghang!!"
“Nakaka-siguro ako na mas masarap ang buhay ko kung ikukumpara n'yo ako sa iniidolo n'yo…"
“Sige na maganda na s’ya, mayaman na s’ya, magaling na artista!! Eh di wow!! I do respect her as a ‘human being’ and everyone’s opinion on everything.
"Sorry to Agot kung naka-offend ako but that was not my intention…” paghingi niya ng paumanhin sa aktres.
Noong Agosto 8, muling ibinalik ni Jobelle ang binurang post patungkol kay Agot. Ayaw daw kasi siyang tantanan ng mga netizen na "oposisyon" o maaaring tumutukoy sa mga Kakampink. Batay sa mga socmed post ni Jobelle ay tagasuporta siya ng UniTeam noong nagdaang halalan.
Paliwanag niya, concern lamang daw talaga siya kung si Agot na ba ang nakita niya sa litrato.
"Sa mga hindi nakakaalam, bina-bash ako ng oposisyon just because I wanted to confirm if this was Agot. Binahiran nila ng politika ang pagtatanong ko."
“According to my friend who showed me this post e kamukha daw ni Agot ‘yung beggar sa C5. I deleted the post already yesterday para matapos na ‘yung issue but the bashing continues."
"It’s obvious that the hate comments are coming from trolls and fake accounts. Just so you know, I keep my account public for a reason and that is because I want the public’s opinion on the subject matter I post unlike other people na ang hilig magpapansin at tumira ng ibang tao pero naka-private ang account?!!"
“With that said, if you have hateful or negative comments to say, that is your choice and I respect your opinion. I’m not here to make things worst or to cause hatred, but I just simply wanted to know the facts."
“Even now that I know the truth, this is my account, my wall, my rules!!! Therefore, I’m going to repost it. I wonder lang, sa dinadami naman kasing magandang picture ni Agot, ito pa talaga yung napiling ilagay?!!"
“Sa mga bashers, sabi nga ni Agot di ba DEDMA IS key bakit galit na galit kayo?!!! Affected?”
Dahil dito, nakatanggap din siya ng panlalait mula sa mga netizen na nagtatanggol kay Agot. Kaya naman, pinalitan niya ang kaniyang profile pic.
"Over daw kasi sa filter yung profile pic ko so I had to change it. Ito filterless na malamang sasabihin naman ng iba kapal ng make-up. Ayan o kitang-kita ang wrinkles ko ‘no?!! Akala pati nung mga hunghang fake yung mata ko e hazel color talaga 'yan since birth at wala po akong pinagawa sa face ko kundi kilay!!" caption ni Jobelle sa kaniyang bagong profile picture.
Ibinahagi pa niya ang mga litrato noong Hulyo 2021 habang nakasakay sa eroplano.
"This is how I look June 2021 'yan. Yung kilay ko, nitong July 2022 ko pinagawa dito sa Japan!! Ang alam ko, nadagdagan ako ng isang taon at timbang since last year pero wala akong pinaretoke sa fez ko mga hunghang!!! KILAY IS LIFE!! Sa mga hindi naniniwala dito, malamang alien kayo???"
Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag si Agot tungkol dito.