Inireklamo ng "Frontline Pilipinas" news anchor sa TV5 na si Julius Babao ang isang branch ng pizza restaurant chain dahil sa bad order na kanilang nakuha, matapos nilang bumili rito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/08/reklamo-ni-julius-babao-sa-isang-pizza-restaurant-yung-pizza-na-inorder-namin-may-plastic/">https://balita.net.ph/2022/08/08/reklamo-ni-julius-babao-sa-isang-pizza-restaurant-yung-pizza-na-inorder-namin-may-plastic/

Ayon sa social media posts ni Julius, Linggo, Agosto 7, kitang-kitang naluto umano ang nakabalot na plastik sa ibabaw nito, at dumikit na nang tuluyan sa pizza.

"Look @shakeysph yung pizza na inorder namin niluto ng may PLASTIC!!!! Buti di namin nakain!" pahayag ni Julius sa caption kalakip ang video. Naka-tag dito ang social media accounts ng pizza resto chain gayundin ang Department of Trade and Industry o DTI.

'Sexy pero classy!' Janine Gutierrez, calendar girl na rin

Sa comment section naman ay nagkomento ang misis ni Julius na si Kapatid news anchor Christine Bersola-Babao.

"Ang careless ng branch kung saan nag-order tayo. Dapat chine-check mabuti. Kulang sa Quality control," aniya.

Marami ang humikayat sa mag-asawa na magsampa ng pormal na reklamo upang matiyak ulit ang kalidad ng kanilang produkto.

Sa tweet version naman ng post ni Julius ay tumugon na ang naturang pizza parlor, na originally ay mula sa ibang bansa.

"Our sincerest apologies Mr. Julius Babao. Rest assured that we are currently undergoing a thorough and fair investigation regarding this unfortunate incident. We appreciate you responding to our message and taking our call. We commit to making this right for you. Thank you."

https://twitter.com/PHShakeys/status/1556303067775377411

Nagkomento naman ang mga netizen dito at sinabing dapat i-check ng pizza parlor ang kalidad ng kanilang produkto.

"Thank you for raising this with us. Please be advised that our team is already on top of this. Thank you for understanding," tugon nila.

https://twitter.com/PHShakeys/status/1556440978684256258

Habang isinusulat ito ay wala pang update ang news anchor kung anong danyos perwisyo ang ginawa ng kompanya para sa kanila.