Hindi nagpatumpik-tumpik pa si Maggie Wilson at kinaladkad na sa publiko ang umano’y ‘kabit’ ng dating asawang si Victor Consunji, kalakip ang ilang aniya’y ebidensiyang magpapatunay sa mabigat na akusasyon.

Sa serye ng Instagram stories ni Maggie gabi ng Linggo, diretsahang isiniwalat nito ang pangangaliwa umano ng dating asawa.

“A few days ago I was sent a motion for the issuance of a gag order,” pagsisimula ni Maggie.

Sunod na agad inispluk ni Maggie ang tungkol sa isang negosyanteng kinilalang isang Rachel Carrasco na nasangkot umano sa ilang biyahe kasama ang noo’y asawang si Victor.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“In 2019, a woman (one) of despite her being married at the time, I found was taking ‘trips’ and checking in to various hotels with him, without my knowledge. She has recently been posting in our ‘conjugal home,’ living her best life! Despite this, I have been accused of adultery and issued an arrest warrant,” pagsisiwalat ni Maggie.

Paniniwala ng beauty queen, may niluluto pa umanong hakbang ang kampo ng dating asawa na layong mapatahimik siya nang tuluyan.

“Many people again may ask why I am so public, I find that a lot of women and men in the Philippines may tolerate or deem this kind of BS [b***s***] acceptable but I won’t,” matapang na saad ni Maggie.

Dagdag niya, ilang beses niya umanong sinubukang maayos nang mahinahon ang kinahaharap nilang sitwasyon ngunit sa halip ay siya pa ngayon ang nahaharap sa kaso.

“I’ve always believed in happiness (even now) for him and I, even if it’s not with me. I kept quiet for years and never wanted to drag anyone else into this but here I am left with no choice,” ani Maggie.

Mensahe ni Maggie sa nasasangkot na babae: “I am sorry to the people close to you that may not know but I would’ve hoped you saw sense and told him not to do something so ridiculous,” dagdag niya.

Sunod na makikita sa serye ng IG stories ni Maggie ang larawan ng nakakaladkad na si Rachel na umano’y mga larawang nakunan habang nasa loob ng pamamahay ni Maggie at Victor.

Maggie Wilson/via Instagram

Maagang depensa ni Maggie, mula sa ilang public posts sa social media nakolekta ang mga naturang larawan.

Dalawang larawan din na makikitang magkayakap at magkahawak-kamay si Victor at Rachel ang hindi nakaligtas sa IG story ni Maggie.

Maggie Wilson/via Instagram

Basahin: Cryptic posts ni Maggie Wilson, umagaw sa atensyon ng netizens; ex-husband, may nilinaw – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Nauna nang iginiit ng ex-husband ni Maggie na si Vic sa isang Instagram story kasunod ng kanilang hiwalayan noong 2021 na wala sa kanilang dalawa ang nagtaksil sa kanilang higit isang dekadang pagsasama.

“Despite what you may have heard. To be absolutely clear, neither @wilsonmaggie or I had an affair with each other,” tugon at paglilinaw noon ng British-Thai businessman sa isang Instagram story na ibinahagi rin ni Maggie sa kaniyang story.

Basahin: Maggie Wilson, napagkaitan makasama ang anak noong Pasko; may matapang na buwelta! – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Gayunpaman, ilang cryptic posts ang binitawan ni Maggie at sunod-sunod na iringan mula sa dalawang panig ang naiulat mula noon.

Basahin; Maggie Wilson, natatakot para sa buhay niya at ng kaniyang pamilya – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Matatandaang nong Hulyo, napabalita ang umano’y ilegal na pagpasok ng mga kinatawan ng Victor Consunji Development Corporation (VCDC), DMCI, at tauhan ng barangay Bambang sa tahanan ni Maggie sa Taguig City.

Sa pag-uulat, wala pang tugon si Victor sa mga akusasyon ng dating asawa.