Tila papasukin na rin ni dating Bise Presidente Leni Robredo ang mundo ng vlogging matapos mag-upload ng 12-min video sa kaniyang Facebook account na siya mismo ang nag-edit.
Ibinahagi ni Robredo ang kaniyang 12-min vlog sa kaniyang Facebook account nitong Linggo, Agosto 7. Mapapanood dito ang hotel tour niya sa kanilang Turkey trip, kamakailan.
Kuwento niya, kinukulit-kulit daw niya ang bunsong anak niyang si Jillian na turuan siyang mag-edit ng videos.
"Today is, I think, my first free day since June 30 (as in walang laman ang calendar). Kaya marami akong na accomplish - nag edit ng campaign coffee table book, nag post ng Turkey album sa IG and kinulit kulit si Jillian na turuan akong mag edit ng videos (paghahanda ng bagong chapter ng aking youtube channel. haha)," aniya.
Siya rin daw ang videographer, voice over, at editor ng mini vlog niya.
"So, buong hapon akong nag aral. Nakatulog pa si Jill ng napakatagal kaya tuloy natagalan kami. Pinagpraktisan namin isa sa mga Turkiye videos. At eto na resulta - ako videographer, nag vovoice over, editor, etc. Pagpasensyahan nyo na kasi nakakainis boses ko at kailangan ko pang mag practice kumuha ng videos. Pero pinaghirapan ko ito," dagdag pa niya.
Kaugnay na Balita: https://balita.net.ph/2022/07/22/chairperson-robredo-hands-on-na-pinamumunuan-ang-angat-buhay-foundation/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/07/22/chairperson-robredo-hands-on-na-pinamumunuan-ang-angat-buhay-foundation/