Ibinahagi ni "Queen of Soul" Jaya na tinupok ng apoy ang ibabang bahagi ng kanilang bahay sa United States of America, kung saan permanente na siyang naninirahan kasama ang pamilya.

Batay sa Instagram post ni Jaya nitong Lunes, Agosto 8, sunod na sunog ang ibabang bahagi ng kanilang bahay. Wala naman umanong nasaktan sa kanila at ligtas silang lahat.

View this post on Instagram

A post shared by Jaya Gotidoc (@jaya)

Teleserye

Mon Confiado, nag-react sa sinabi ni Herlene Budol na nakakatakot siya

"God is so good! Our house just burned to the ground but we are all safe! I have no words but GOD IS GOOD!!!" ayon sa update ni Jaya.

Bumaha naman ng pag-aalala at comforting words mula sa kaniyang mga kaibigan at dating kasamahan sa showbiz gaya nina Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla, Megastar Sharon Cuneta, at marami pang iba.

Noong Hulyo 2021 nag-migrate si Jaya sa US at pormal na nagpaalam bilang hurado ng "Tawag ng Tanghalan" sa noontime show na "It's Showtime".

“I’m just saying goodbye to everyone right now… I just wanna say thank you and basta, balik na lang ako kapag open na lahat," ani Jaya sa IG habang nasa airport at naghihintay na lamang sumakay sa eroplano.

Hindi naman nabanggit ni Jaya ang dahilan ng sunog sa kaniyang update.