Magiging tatay na ang dating miyembro ng Hasht5 na si Marlou Arizala o mas kilala ngayon bilang si Xander Ford, ispluk ng kaniyang "boss" na si Pambansang Lalaking Marites na si Xian Gaza.

Kahit nakiusap si Xander na 'wag na muna siyang unahan at sila ng kaniyang nobya ang mag-aanunsyo nito sa publiko, hindi pa rin nagpaawat ang Pambansang Lalaking Marites.

Ibinahagi niya sa kaniyang Facebook post ang screengrab ng pag-uusap nila ni Xander sa chat. Kinukuha siyang ninong nito.

"SANA LANG TALAGA EH HUWAG MAGING KAMUKHA JUSKO POR SANTO IN JESUS NAME," pabirong saad nni Xian Gaza sa comment section.

Tsika at Intriga

Sinamantala ang pagkakataon? Daniel, pinasok daw si Kathryn habang wala si Mommy Min

"Sabi ko wag maingay eh," sansala naman sa kaniya ni Xander.

“Ako tigil-tigilan mo at baka hindi ko matantsa yung mukha mo," sagot ni Xian.

"Kasi naman boss inunahan muna kami mag Revail eh nawala na ‘yung Karapatang pang tao namin. Ay ng GF ko pala Moral suport ako. Dipala ako tao," hirit pa nito.

Sa halip na itama ay lalong minali ni Xian ang "revail" ni Xander at ginawa ito ng "revel". Payo ni Xian, mag-masquerade na lamang si Xander sa araw ng gender reveal ng kanilang anak.