Nakuha ng Pilipinas ang "best" at "worst" pagdating sa egg dish o pagkaing ang pangunahing sangkap ay itlog, ayon sa pa-survey ng "TasteAtlas" sa kanilang audience.
"Best egg dish" ang "Tortang Talong" o pinagsamang pritong itlog at talong sa rating na 4.7. Kasama rito ang "Kuku Sabzi" na may 4.6 at "Huevos Divorciados" na may 4.5.
"Great" naman ang rating ng "Eggs Benedict" (4.2), "Tortilla de Patata" (4.2) at "Omurice" (4.1).
Nasa moderate o "Ok" category naman ang "Quiche" (3.9), "Century Egg" (3.8, at "Frittata" (3.6).
At ang nakalulungkot, nasa "Worst" naman ang "Eierbal" (3.3), "Scotch Egg" (3.3), at pinakamababa naman ang "Balut" (2.7).
Ang balut ay "fertilized developing egg embryo" na direktang pinakuluan habang nasa loob pa ito ng shell. Maituturing ito bilang isang street food at kadalasang itinitinda o inilalako tuwing gabi.
Kadalasang makikita ito sa mga bansa sa Timog Silangang Asya kagaya ng Cambodia, Vietnam, at Pilipinas. Patok na patok ang balut sa mga PIlipino. Itinuturing na "Balut Capital of the Philippines" ang Pateros.