Kumpirmado nang magtuturo sa ilalim ng College of Law sa West Visayas State University (WVSU) si First Lady Atty. Louise "Liza" Cacho Araneta–Marcos.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Dr. Joselito Villaruz, presidente ng WVSU, kinumpirma niya na magtuturo ng Criminal Law 1 si Araneta–Marcos sa nasabing unibersidad.

Dagdag pa ni Villaruz na si Araneta-Marcos ay nag-apply bilang part-time faculty sa Juris Doctor program sa pamamagitan ng kanilang regular na proseso — pagsusumite ng kanyang mga dokumento para sa pagsusuri at pagproseso.

Sinabi ni Villaruz na tinanggap ng unibersidad ang mga aplikante batay sa kanilang mga kredensyal at mga katangian sa pagtuturo, anuman ang kanilang pisikal na anyo, katayuan sa lipunan, o posisyon sa pulitika.

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

Ayon kay Villaruz, napili ng first lady na magturo sa WVSU dahil may pamilya at kamag-anak ito na taga Iloilo, kabilang na ang ina nito at ang Filipino basketball Olympian na si Manuel Araneta Jr.

"The university is open to faculty applicants, and we accept applicants based on their credentials and qualifications. Perhaps Mrs. Marcos chose [WVSU] not only because it is a big, prestigious university, but also probably the reason why she applied to teach [is that] her roots are from Iloilo also. Maybe she realized that she wanted to give back to her hometown," ani Villaruz.

Giit naman ng mismong unibersidad na si first Lady Atty. Louise "Liza" Cacho Araneta–Marcos ay nanilbihan muna bilang law professor sa Mariano Marcos State University, Saint Louis University, Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, Northwestern University, at Far Eastern University.

Napag-alaman din na si Araneta-Marcos ang founding partner ng MOST (Marcos, Ochoa, Serapio, & Tan) at kumuha din ito ng pre-law na kurso na Interdisciplinary Studies sa Ateneo de Manila University. Kalaunan ay nakapagtapos ito ng abogasya sa Ateneo de Manila Law School.

Kumuha din ito ng masteral unit na Criminal Procedure sa New York University.

Magsisimulang magturo si Araneta-Marcos sa Agosto 15, sa pagbubukas ng kalendaryong pampaaralan ng WVSU.