Matapos umano ang tagumpay ng "Maid in Malacañang" sa takilya, inihahanda na umano ni Darryl Yap ang second installment o sequel nito, ayon sa panayam sa kaniya ni Coach Jarret noong Agosto 5, 2022.

Sa naganap na presscon para sa MiM ay nabanggit na trilogy pala ang pelikulang ito: ang susunod daw ay MoM o "Maytyr or Murderer" at ang huling installment daw ay "MaM o "Mabuhay Aloha Mabuhay" na iikot sa naging buhay ng mga Marcoses sa Hawaii.

Iikot daw ang sequel sa mabigat na paratang sa pamilya Marcos kaugnay ng asasinasyon kay dating Senador Ninoy Aquino sa dating Manila International Airport, kaya naipangalan dito ang naturang paliparan.

Hanggang sa kasalukuyan, wala pa ring malinaw kung sino nga ba ang mastermind sa naturang pagpaslang.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

It’s one of the heaviest accusations that they ever received---that they have killed Ninoy Aquino that time. And I want to present why the people should believe them that it’s not them," paliwanag ni Yap.

“I will start by asking about the film, if your father died, if your husband died, there should be a fire within you to solve it, as a good son and a good wife."

“So why is it until now, that the mother or the wife, is now gone, the son is also gone, the justice for the father is not yet given?"

Kapag pumayag na raw ang napipisil niyang aktor na gaganap na Ninoy, agad daw nila itong ipo-post sa social media. Hindi naman nagbigay ng clue si Yap kung sino ang aktor o mga aktor na kasama sa listahan ng pinagpipilian nila.

Bagama't hindi pinangalanan, ang aktres na si Giselle Sanchez ang gumanap na dating Pangulong Cory Aquino sa MiM, batay sa pahiwatig ng suot at anyo nito. Umani ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen, lalo na ang eksena kung saan makikitang nakikipaglaro ito ng mahjong sa mga madre.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/02/giselle-nagpaliwanag-tungkol-sa-kaniyang-most-controversial-role-sa-maid-in-malacanang/">https://balita.net.ph/2022/08/02/giselle-nagpaliwanag-tungkol-sa-kaniyang-most-controversial-role-sa-maid-in-malacanang/

Agad naman itong pinalagan ng Carmelite sisters of Cebu City.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/02/carmelite-monastery-sa-mim-this-unity-can-only-be-built-on-truth-and-not-on-historical-distortion/">https://balita.net.ph/2022/08/02/carmelite-monastery-sa-mim-this-unity-can-only-be-built-on-truth-and-not-on-historical-distortion/

Maging ang panganay na anak nina Cory at Ninoy na si Ballsy Aquino-Cruz ay pumagitna na rin at sinabing hindi kailanman naglaro ng mahjong ang kaniyang ina, sa kasagsagan ng EDSA People Power Revolution at sa buong panahong panunungkulan nito bilang unang babaeng presidente ng bansa.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/06/ballsy-nilinaw-na-hindi-kailanman-naglaro-ng-mahjong-si-pres-cory-noong-nasa-posisyon-pa/">https://balita.net.ph/2022/08/06/ballsy-nilinaw-na-hindi-kailanman-naglaro-ng-mahjong-si-pres-cory-noong-nasa-posisyon-pa/