Naniniwala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sa pagpapatuloy ng face-to-face classes sa huling bahagi ng buwang ito ay mapapalakas nito ang pagbangon ng ekonomiya mula sa epekto ng pandemya ng Covid-19.
Sa kanyang lingguhang vlog na na-upload noong Sabado, Agost 6, hinikayat ni Marcos ang mga local government units (LGUs) na palakasin ang kanilang pagbabakuna sa Covid-19 at booster drives upang matiyak ang kaligtasan ng lahat, lalo na ang mga mag-aaral, sa sandaling magsimula ang Academic Year 2022-2023 sa Agosto 22.
Sa pagbanggit sa datos ng gobyerno, sinabi niya na may 15.9 milyong Pilipino ang nakatanggap ng kanilang unang Covid-19 booster shot habang mahigit 1.2 milyon ang nakatanggap ng kanilang pangalawang booster doses.
Inamin ni Marcos na malayo pa rin ito sa target ng gobyerno na magbigay ng hindi bababa sa 23 milyong Covid-19 booster shots sa loob ng kanyang unang 100 araw sa panunungkulan.
“Kaya hindi tayo magsasawang pakiusapan ang ating LGU na maging mas agresibo dito sa kampanyang ito,” anang pangulo.
Dagdag pa niya na hindi madali ang pagkuha ng mas maraming Pilipino para makakuha ng kanilang Covid-19 jabs at booster shots ngunit mahalaga ito sa muling pagbubukas ng mas maraming sektor.
Aniya, “Hindi man ito ganung kasimple pero kapag tama ang paghahanda ay siguradong magiging matagumpay ito.”
Ayon kay Marcos, ang pagpapatuloy ng in-face classes ay bubuhayin ang mga aktibidad sa ekonomiya sa mga establisyimento sa paligid ng mga paaralan tulad ng mga tindahan ng school supplies, retail industry, at mga katulad nito at sa pampublikong sasakyan.
Ang mga magulang ay magkakaroon din ng pagkakataon na bumalik sa trabaho habang ang kanilang mga anak ay nasa paaralan, na nangangahulugan ng pagtaas ng mga manggagawa.
“Kapag ito ay naging matagumpay, hindi lang ito balik-eskuwela kundi balik-negosyo, balik-hanapbuhay at balik-kaunlaran. Ito ay masasabi ring malaking tulong sa malawakang kilusan natin ng pagbubukas ng ekonomiya,” ani Marcos.
Pinaalalahanan ni Marcos ang mga industriya na ipagpatuloy ang pagpapatupad ng minimum public health standards para maiwasan ang paglobo ng mga kaso ng Covid-19.
“Maraming industriya ang magiging bahagi at makikinabang sa hakbang na ito kung kaya't hindi dapat nating siguruhin na ang lahat ay handang-handa.”