Magtatakda ang Department of Agriculture suggested retail price (SRP) sa asukal.

Ito ang sinabi ni Agriculture Usec. Christine Evangelista kasunod ng mataas na presyo ng asukal sa mga pamilihan.

Ayon kay Evangelista, magpupulong sila kasama ang mga stakeholders sa susunod na linggo para pag-usapan ang SRP at iba pang kaugnay na isyu.

"Sa asukal na meron po tsyo ngsyon, pwede po natin ilagay ang SRP pero hindi po natin pwedeng irekomenda agad agad yan kailangan po natin ng stakeholders consultation kasama po dyan ang ating mga byahero at nagtitinda nyan sa ating konsultasyon then we will reccommend our SRP para po sa our remainder supply while waiting po sa ating padating po na asukal,"  pahayag ni Evangelista.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Bagamat layunin ng DA na maibalik dati ang presyo ng asukal na nasa P50 kada kilo lamang, sinabi naman ni Evangelista na marami pa rin dapat ikonsidera sa pagtatakda ng presyo.

Sa ngayon ay maaring ipako sa P90 kada kilo ang presyo ng asukal lalo't naglalaro rito ang prevailing price nito.

Samantala plano ng DA na mag angkat ng asukal  para matugunan ang kakulangan ng suplay nito.

Sinabi ni Evangelista na ito ang agarang kailangang solusyon na gawin lalo't nasa 300 metric tons na lamang ng asukal ang suplay na paghahatian pa ng tatlong sektor.

Bukod sa pag aangkat, pinag-aaralan din ng DA ang pagpapalakas ng produksyon ng asukal.