Humingi na ng paumanhin sa publiko ang Sparkle GMA Artist Center talent na si Marie Pamintuan matapos ang kaniyang pinag-usapang TikTok video kung saan "inokray-okray" niya ang pagkain sa naganap na GMA Gala Night, at sinabi pa niyang kunwari ay nag-eenjoy siya ngunit hindi naman.

Hindi raw niya kilala ang karamihan sa mga dumalo rooon, at hindi rin naman daw siya kilala ng mga ito.

Tungkol naman sa lasa ng pagkain sa Shangri-la Hotel sa The Fort, Taguig kung saan ginanap ang kauna-unahang gala night ng Kapuso Network, kasama niya rito ang dalawang Sparkle newbies na sina Shanicka Arganda at Ella Cristofani. Pabirong hirit ng isa sa kanila, lasang liver spread daw ang isa sa mga pagkain. Sinegundahan naman daw ito ng isa pang Sparkle artist na si Rere Madrid.

“Binash namin yung food pero naubos naman. Naubos ko naman. Appetizer pa lang 'yon. Meron pa tayong main course,” saad ni Mariel.

Tsika at Intriga

Habang si Maris namundok: Anthony, pumarty kasama ang Incognito stars

Umani ng batikos sa mga netizen ang mga TikTok videos ni Mariel, at sinita ang kaniyang naging asal sa naturang event.

Nakarating naman ito sa kaalaman ni Mariel at kaagad na humingi ng tawad. Inilakip pa niya ang isang artikulong naisulat tungkol sa kaniya ng isang entertainment site.

"I am sorry for this comment, it was an honest mistake and I even mentioned in my other videos that I truly enjoyed the event. I was so thrilled, it was memorable for me and I am grateful to GMA that they included me in such a prestigious event," ayon kay Mariel noong Agosto 4.

"Unfortunately it was taken out of context. I just signed a contract with GMA at di po ako pamilyar sa mga social gatherings that's why I said 'Nagpapanggap lang ako na nag-eenjoy dito di ko sila kilala at di nila ako kilala' as I was trying not to be awkward."

"'Lasang liver spread' Pero yung sosyal na liver spread ha? Sinabi ko nga na naubos ko yung food. Masarap naman. Simpleng mamamayan lang po ako na gustong mag-artista kaya di pa ako sanay sa ganyan sosyalan. I didn't mean to insult anyone with my comments. If you watch my Tiktok videos, I always make sarcastic dumb jokes."

"Na-shock ako na seseryosohin nila dahil di po ako seryosong tao sa TikTok. I was just being my cheeky self. Siguro naparami yung wine ko kaya ang daldal ko that night. (Toinkz) I am truly sorry if I was careless with my words. I understand why some people were offended. This is a lesson for me to be more mindful of my words and actions."

"I am still thankful that people pointed it out because I want to stay in this industry and I want to learn from you. God bless you all. #proudtobekapuso."

Sa isa pang Facebook post, inakala umano ang young actress na wala pang nakakakilala sa kaniya o hindi pa siya sikat.

"Akala ko kasi di pa naman ako sikat kaya okay lang maglaro-laro, di ko inexpect na mahe-headline pa ako. Ngayon alam ko na pag formal event dapat di ako jejemon. Sorry po sa GMA network na nadamay pa, kahit isang taon pa lang contract ko po sa inyo loyal po ako sa inyo. Malaki ang utang na loob ko po sa GMA, naraos po namin ang pag-aaral namin dahil sa projects ko noon sa kanila. Nirerespeto at pinahahalagahan ko po ang network ko," ani Mariel.

Ibinahagi rin ng young actress ang isang quote card tungkol sa "Life is too short".

"Grudges are a waste of time. Laugh when you can, apologize when you should and let go of what you can't change. Love deeply and forgive quickly. Life is too short to be unhappy," mababasa rito.

Nagsimula ang showbiz career ni Mariel noong 2007 bilang isang Star Magic artist sa ABS-CBN bago lumipat sa Kapuso Network.

Naging bahagi siya ng mga Kapuso teleserye gaya ng "Magkano ba ang Pag-ibig?" na pinagbidahan ni Heart Evangelista at "Beautiful Strangers".