Simula 2023, tatanggapin na ng Miss Universe Organization ang mga delagadang dati o kasalukuyang may-asawa, buntis, o isa nang ganap na ina.

Ito ang ulat na ipinabatid ng pageant community Missosology nitong Sabado, kaugnay sa isang email na ipinadala sa mga national director.

“Effective the 72nd Miss Universe and national preliminary competition leading up to it, women who are or have been married, as well as women who are pregnant or have children, will be able to compete,” mababasa sa nasabing abiso.

Nauna nang isinulong ng bansang France ang nabanggit na polisiya sa kanilang national competition.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Basahin: Taliwas sa Miss Universe? Miss France, bukas na sa kababaihang may asawa, anak – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

"We believe women should have agency over their lives, and that a human's personal decisions should not be a barrier to their success. Recent data also shows that the average age of marriage for women and first-time pregnancy, globally begins at 21," dagdag ng MUO.

Matatandaan ang ilang requirements para sa aspiring applicants ng Miss Universe Philippines kabilang ang pagiging isang Filipino citizen at passport holder, hindi bababa sa high school graduate ang pinakamataas na educational attainment, hindi bababa sa 18 taong-gulang ngunit hindi lalagpas sa 28 taong-gulang ang edad , at higit sa lahat ay dapat isang babae na hindi pa nagkaroon ng asawa at anak ang kandidata.

Walang height requirement ang MUP.

Wala pang anunsyo ang national organization kung tatalima ito sa pagbabago ng polisiya ng Miss Universe.