Sa pagpanaw ng batikang aktres na si Cherie Gil sa edad na 59, may realization ang 75-anyos na si Manay Lolit Solis.

Isa sa mga nalungkot sa balita ng pagkawala ng tinaguriang “La Primera Contravida” ng pelikulang Pilipino si Manay Lolit nitong Biyernes.

“Naku Salve dahil sa natanggap kong text na namatay na si Cherie Gil parang nasira ang umaga ko. So sad na isang mas bata pa sa akin na tulad ni Cherie Gil mas naunang nawala sa mundong ito,” saad ni Manay sa kaniyang Instagram update, Sabado.

Basahin: Showbiz veteran Cherie Gil, pumanaw na – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang mas bata at inakala aniya niyang mas malakas sa kaniyang si Cherie ay naunang ginapi ng sakit na kanser.

Isa naman ang napagtanto ni Manay sa biglaang pagkawala ng batikang aktres.

“Kaya nga alam ko na dapat thankful ako dahil 75 na ako and yet heto at nabibigyan pa ako ng pag asa. Talaga lang complaining person ako na wala ng ginawa kundi maghanap ng iri reklamo ko,” saad ni Manay.

Kasalukuyang nagpapagaling si Manay Lolit ayon sa mga serye ng kaniyang mga Instagram posts.

Sa katunayan, sumailalim na rin ang batikang celebrity host at talent manager sa serye ng dialysis.

Basahin: Hirit ni Manay Lolit habang nagda-dialysis: ‘Pag nandito si Bea Alonzo sure na maaaliw ako’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Buti na lang mabait mga doktor ko, at matiyaga sa pagtingin sa akin, kundi, siguro, matagal na akong tsugi dahil sa mga reklamo ko, hah hah hah. God is good, always.💕”