Naniniwala ang aktres na si Rita Avila na kahit anong panig pa ng isang kuwento ang ilahad hinggil sa kasaysayan, mananatili pa rin ang katotohanan.

Isang araw matapos ang pagbubukas sa sinehan ng pelikulang "Katips" ni Atty. Vince Tañada at "Maid in Malacañang" ni Direk Darryl Yap, ibinahagi ni Rita sa kaniyang Facebook post ang saloobin niya tungkol dito.

"I agree, kahit anong daming sides ang kwento, mananatili ang katotohanan," ani Rita, na isang Kakampink.

"Parang tsismis, ang daming bersyon; pero yung pinagtitsismisan pa rin ang may hawak ng katotohanan."

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Nasa tao na raw kung ano ang papanigan niyang bersyon, subalit ang iba umano ay "bihirang mag-isip" at maghanap ng katotohanan.

"Nasa tao naman kung gustong maniwala sa tsismis. Kaso bihira ang mag-iisip at maghahanap ng katotohanan. Sapat na sa kanila ang naaliw sila sa tsismis at naramdamang mas 'mataas' sila sa taong tinatapakan."

"May choice ka naman lagi kung ano ang gusto mong paniwalaan."

"Ano ba ang gusto mong ipasok sa isipan mo?"

"Ang mga nasulat na sa history books ay nangyari na. Hindi puwedeng palitan. Nangyari na nga eh."

"Wag magalit. Hindi kita pinipilit. Kung gusto mong mali ang igiit, kaalaman mo’y ikaw ang guguhit."

Sa huli, ibinahagi pa ni Rita ang pahayag mula sa religious text na "Didache".

"May I fully depend on the truth of who You are (Father God) and not the lies of the world.”

Samantala, paglaban sa katotohanan ang panawagan ng direktor ng Katips sa mga nanood noong Agosto 4.

Sa video na ibinahagi ng isang nagngangalang "Rae Viloria," makikitang nagpasalamat ang direktor sa mga nanood na nasa loob ng sinehan.

"Maraming salamat po! Patuloy po nating ipaglaban ang katotohanan!" sigaw ng direktor.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/04/atty-vince-may-mensahe-sa-mga-nanood-ng-katips-patuloy-po-nating-ipaglaban-ang-katotohanan/">https://balita.net.ph/2022/08/04/atty-vince-may-mensahe-sa-mga-nanood-ng-katips-patuloy-po-nating-ipaglaban-ang-katotohanan/

Maririnig naman ang tila pagsang-ayon at tugon ng moviegoers. Nagpalakpakan at naghiyawan sila bilang tanda ng pakikiisa.