Hindi napigilan ni Jinkee Pacquiao na maging emosyonal nang sa wakas ay nagkaroon siya ng pagkakataong mapanood ang kanyang anak na si Jimuel na lumalaban sa loob ng ring.
Ito ang unang pagkakataon na napanuod ni Jinkee ang kanyang anak na sumabak sa boxing ring at wala na siyang ibang nagawa kundi ang maluha nang mapanuod nito ang anak na nakikipaglaban para sa kampeonato.
"Nakangiti pero pinipigilan lang umiyak. First time kong mapanood ang anak ko lumaban (namumula na mata)," caption ni Jinkee sa kanyang Instagram post.
Ibinalik ni Jimuel Pacquiao ang kanyang namumuong boxing career matapos talunin si Dylan Merriken sa Montebello, California nitong Biyernes.
Ang 21-anyos na si Pacquiao ay nanalo sa three-round amateur bout at napabuti ang kanyang record sa 4-1 (win-loss).
Ang fight card na ipinakita ng 360 Promotions at ginanap sa Quiet Cannon Conference and Event Center ay minarkahan ang pagbabalik ng panganay na anak ng boxing legend na si Manny Pacquiao sa ring kasunod ng kanyang unang career loss noong Hunyo laban sa American Chris Smith.
Bukod kay Jinkee, nagbigay ng malaking suporta sa batang Pacquiao sa ringside ang presensya ng mga nakababatang kapatid na sina Mary Divine Grace at Queen Elizabeth.
Proud mom naman si Jinkee at sinabi nitong sa susunod ay makakasama na rin nilang manuod si Mannny.
Magpapatuloy si Jimuel sa pagsasanay sa Wild Card gym.