Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na natapos na ang isolation period ng kauna-unahang kaso ng monkeypox sa bansa.

Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, ang huling araw o ika-21 araw ng isolation ng pasyente ay natapos na kahapon, Biyernes.

Ani Vergeire, sa ngayon ay magaling na magaling na rin ang mga lesions ng pasyente.

Binigyan na rin aniya ng ‘go signal’ ng kanyang mga doktor ang 31-taong gulang na pasyente para makalabas na ng pagamutan ngayong Sabado at makipag-interact sa kanyang pamilya at iba pang tao.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Sa ngayon aniya ay wala pa silang naitatalang bagong kaso ng monkeypox ngunit patuloy pa rin aniya nilang binabantayan ang mga close contacts ng pasyente.

“Yung mga lesions niya are completely healed already. Yung mga close contacts patuloy na binabantayan katulad nung sabi natin they are required to complete their 21 days quarantine period. Magbibigay tayo ng information pagsila nakatapos na ng 21 day quarantine,” ani Vergeire, sa pulong balitaan nitong Biyernes.

Samantala, sinabi rin ni Vergeire na ang iba pang “suspected” patients ay nasuri na at nag-negatibo sa monkeypox.

Matatandaang ang naturang pasyente ay dumating sa bansa noong Hulyo 19 matapos na bumiyahe sa mga bansang nakapagtala na ng kaso ng monkeypox.

Kabilang sa mga sintomas ng naturang sakit ay lagnat, pananakit ng ulo, pananakit ng kalamnan, pagkapagal, pagkakaroon ng rashes, pamamaga at pananakit ng mga lymph nodes.