Naglabas ng opisyal na pahayag ang "Department of Education" (DepEd) kaugnay sa 'red flag' ng Commission on Audits (CA) sa kagawaran, sa umano'y procurement ng laptops na may mahal na presyo subalit may low-end processors noong 2021, sa pamamagitan ng pakikipag-transaksyon sa kontrobersyal na Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM).

Ang mga laptop na ito ay ipinamigay sa mga guro ng DepEd upang magamit nila sa kanilang trabaho.

"๐—ข๐—ฃ๐—œ๐—ฆ๐—ฌ๐—”๐—Ÿ ๐—ก๐—” ๐—ฃ๐—”๐—›๐—”๐—ฌ๐—”๐—š ๐—ฆ๐—ฎ ๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ด ๐—–๐—ข๐—” ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ผ๐—น ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฟ๐—ผ๐—ฐ๐˜‚๐—ฟ๐—ฒ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—ป๐—ด ๐—น๐—ฎ๐—ฝ๐˜๐—ผ๐—ฝ๐˜€," ayon sa opisyal na pahayag ng DepEd sa kanilang Facebook page.

"Agosto 5, 2022 - Kinilala ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang 2021 Annual Report ng Commission on Audit para sa ahensya at gumagawa ng mga hakbang upang tugunan ang mga rekomendasyong ipinakita, kabilang ang P2.4 bilyon para sa inisyatibang Laptop for Teachers noong 2021."

"Pinakamainam na masasagot ng Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM), bilang procuring entity para sa mga unit, ang katanungan patungkol sa presyo ng mga laptop. Tinanggap lamang ng Kagawaran ang mga laptop mula sa PS-DBM."

"Ipagpapatuloy ng DepEd ang pakikipagtulungan sa COA upang matiyak ang patuloy na pagpapabuti ng mga serbisyo nito sa publiko."

"Maraming salamat. #SulongEduKalidad #DepEdPhilippines #DepEdTayo."

Ang DepEd Secretary noong 2021 ay si Sec. Leonor "Liling" Briones. Sa kasalukuyan, hawak ito ni Vice President Sara Duterte.