Sinagot ng kontrobersyal na direktor na si Darryl Yap ang patutsada ng public historian na si Xiao Chua. 

"Magandang Araw po. Ako rin po, ordinaryong tao rin," paunang sabi ni Yap sa kaniyang Facebook post nitong Biyernes, Agosto 5.

"Nakarating po itong generous offer n'yo sa'kin, kakacheck ko lang, mukhang 'di ko kailangan kasi 2 pa rin naman ang middle finger ko— kung wala po kayong mapaglagyan n'yan… may suggestion po ako saan n'yo pwedeng itusok 'yan—with whatever little power you have," banat ng direktor na tila literal niyang sinagot ang pahayag ni Chua.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Noong Huwebes, pinatutsadahan ni Chua si Yap dahil sa naging pahayag nito na hindi siya naniniwalang dapat maging propesyon ang pagiging historian.

“Being a historian SHOULD not be a profession?” panimula ni Chua sa kaniyang tweet nitong Huwebes, Agosto 4.

“I am just an ordinary person but with whatever little power I have, I will give my middle finger to you,” dagdag pa niya.

Nangyari ang pahayag niyang ito matapos ang umere ang panayam ni Yap sa YouTube channel ni Boy Abunda.

“Sa tingin ko, lahat ng tao naman ay historian eh. Sa palagay ko, lahat tayo, may pinanghahawakan sa kasaysayan, at may iba-iba tayong tingin sa kasaysayan.Hindi kayang ikulong ng libro o ng isang panulat o ng isang historian ang sa palagay mo’y nangyari,” ani Yap.

Hindi naniniwala ang direktor na dapat maging propesyon ang pagiging historian.

“I don’t believe that historians should be a profession. I believe that historians are researchers. Masisipag sila na kumakalap ng mga impormasyon pero para sabihin na lahat ng isusulat nila ay 100% true at walang personal interpretation, ‘yun ang hindi ko matatanggap.

“Kasi lahat ng tao, para makapagsulat ka, makapag-compile ka meron at meron kang emotional attachment at ‘yun ang nagiging bias mo,” dagdag pa niya.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/05/historian-xiao-chua-kay-darryl-yap-i-will-give-my-middle-finger-to-you/