Naantig ang damdamin ng gurong si Cyrell Jones Sidlao o "Teacher CJ", SPED teacher mula sa Buyos Elementary School sa Sindangan, Zamboanga Del Norte, nang magtungo ang dalawang pulis sa kanilang paaralan upang i-enrol ang isang batang lalaki.

Nagtaka umano ang guro kung bakit mga pulis ng Sindangan ang sumama sa bata, ayon sa kaniyang Facebook post ngayong Huwebes, Agosto 4.

"I need to share this!!" anang guro.

"Nagpunta sa school namin ang PNP Sindangan to enrol this learner. I asked them kung bakit sila ang nag-enrol sa bata. I just found out na wala na palang parents na masasandalan, walang mapuntahan & napariwara."

Ginang, na-swipe wrong sa dating app; na-scam ni 'Mr. Right' ng higit <b>₱</b>100K

So PNP Sindangan decided na sila ang magkupkop sa bata. Magsilbing magulang para paaralin, alagaan at ituwid ang kaniyang buhay ❤️. Nakakataba ng Puso! Saludo ako sa inyo Sindangan Municipal Police Personnel headed by Sir Mario Manipon."

"Thank you for choosing Buyos Elementary School. Rest assured that I will teach him moral values & proper education. Mabuhay kayo!" pahayag pa ni Teacher CJ.

Ayon sa panayam ng Balita Online kay Teacher CJ, ang nagdesisyon daw na kupkupin at pag-aralin ang naturang bata ay ang hepeng si PLTCOL Mario Manipon, at pinakisuyuan niya ang dalawang pulis na sina PSSg. Rogelio M. Canton, Jr. at PSSg. Archie M. Tumilap na i-enrol na ang bata sa paaralan.

"Kuwento po nila, yumao na raw po ang ama ng bata, at ang ina naman ay may iba nang pamilya. May mga kaanak naman ang bata pero mas pinili raw umano nitong gumala-gala at mamuhay mag-isa," salaysay ni Teacher CJ.

No description available.
Larawan mula kay Teacher CJ

No description available.
Larawan mula kay Teacher CJ

Minarapat na raw ng hepe na mas mainam kung ipapasok sa paaralan ang bata upang makapagtamo ng pormal na edukasyon.

Kudos sa PNP Sindangan, lalo na sa kanilang hepe! Tunay na inspirasyon ito para sa lahat!