Nilinaw ng panganay na anak ng yumaong dating Pangulong Corazon "Cory" Aquino at ate ni Queen of All Media Kris Aquino na si Ballsy Aquino-Cruz na hindi kailanman naglaro ng mahjong ang kaniyang ina, sa kasagsagan ng EDSA People Power Revolution, o sa buong panahon ng panunungkulan nito bilang pangulo ng bansa.

“Mom NEVER PLAYED MAHJONG during EDSA — I can’t imagine how she could have — and her presidency,” padalang mensahe umano ni Ballsy sa isa isang manunulat ng isang pahayagan. Kaugnay ito ng isyu sa teaser ng "Maid in Malacañang" kung saan makikita ang isang babaeng nakadilaw na nakikipaglaro ng mahjong sa mga madre. Ang karakter na ito, na ginampanan ni Giselle Sanchez, ay walang iba umano kundi si dating Pangulong Cory.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/07/walang-personalan-trabaho-lang-giselle-nakiusap-na-wag-i-bash-dahil-gaganap-sa-maid-in-malacanang/">https://balita.net.ph/2022/07/07/walang-personalan-trabaho-lang-giselle-nakiusap-na-wag-i-bash-dahil-gaganap-sa-maid-in-malacanang/

Agad namang nagpaliwanag ang aktres kung bakit tinanggap niya ang naturang "most controversial role" sa Philippine Cinema ngayon.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/02/giselle-nagpaliwanag-tungkol-sa-kaniyang-most-controversial-role-sa-maid-in-malacanang/">https://balita.net.ph/2022/08/02/giselle-nagpaliwanag-tungkol-sa-kaniyang-most-controversial-role-sa-maid-in-malacanang/

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen at iba pang personalidad, gaya ng award-winning director/playwright na si Floy Quintos.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/03/direk-floy-quintos-binanatan-si-giselle-sanchez-sa-paliwanag-nito-kung-bakit-tinanggap-ang-mim/">https://balita.net.ph/2022/08/03/direk-floy-quintos-binanatan-si-giselle-sanchez-sa-paliwanag-nito-kung-bakit-tinanggap-ang-mim/

Lumabas na rin ang pagkondena rito ng Carmelite nun of Cebu at pinabulaanan nila ang naturang eksena sa MiM. Wala umanong kumonsulta sa kanila mula sa mga taong nasa likod ng pelikula, at hindi umano totoong nakikipag-mahjong sila sa dating pangulo noon.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/02/carmelite-monastery-sa-mim-this-unity-can-only-be-built-on-truth-and-not-on-historical-distortion/">https://balita.net.ph/2022/08/02/carmelite-monastery-sa-mim-this-unity-can-only-be-built-on-truth-and-not-on-historical-distortion/

Bagay na sinagot naman ng mismong direktor na si Darryl Yap.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/02/darryl-yap-sa-carmelite-nuns-wala-pong-masama-sa-mahjong/">https://balita.net.ph/2022/08/02/darryl-yap-sa-carmelite-nuns-wala-pong-masama-sa-mahjong/