NUEVA VIZCAYA -- Naka-standby 24/7 ang Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO), Philippine National Police(PNP) at Bureau of Fire protection (BFP) sa Kasibu para sa search and rescue operation ng isang tatlong taong-gulang na batang babae na tinangay ng malakas na agos ng ilog sa Nueva Vizcaya nitong Sabado.
Ayon kay Rustom Calacal, team leader ng MDRRMO Kasibu, sila ay kasalukuyang nakabantay malapit sa overflow bridge sa Barangay Allo habang nagbabantay din ang Kasibu police at mga kaanak ng biktima malapit sa isa pang kalapit na ilog.
Nauna rito, napaulat na sakay ng motorsiklo ang biktima kasama ang kanyang ina at tiyuhin at tinangka nilang tumawid sa isang overflow bridge bandang 9:30 ng umaga.
Gayunpaman, dahil sa malakas na agos ng ilog, natangay sila kasama ang motorsiklo.
Nagawa ng kanyang tiyuhin at ina na lumipat sa gilid ng ilog habang pinaghahanap pa ang biktima.
“Medyo mahaba ang ilog, aabot pa ito ng ilang kilometro, papunta sa Katarawan River at lulusot din ito hanggang sa Quirino province pag nagkataon," saad ni PSSg Jeffrey A Binwag, investigator-on-case.
Pinayuhan ng pulisya at mga tauhan ng MDRRMOang ina ng biktima na manatili sa bahay at magpahinga.
“Medyo nag collapse ang mother ng bata at hindi na nakayanan ang pag aabang sa ilog," said MDRRMO staff .
Narekober na ng mga awtoridad ang motorsiklo dakong alas-2:30 ng hapon, sa loob lamang ng 10-15 metro mula sa overflow bridge.