Aabot sa dalawa o hanggang tatlong linggo na lamang ang naantalang bayad sa mga operators at drivers sa ilalim ng programang libreng sakay ng EDSA Carousel.

Ito ang positibong inihayag ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairperson Atty. Cheloy Garfil, na nagsabing nasa P10 milyon hanggang P12 milyon kada linggo ang bayad o pondo para sa nasabing free bus ride ng pamahalaan.

Ibig sabihin, nasa P20 milyon hanggang P36 milyon ang nakatakda pang ibayad ng LTFRB sa bus operators.

Ayon naman kay Transportation Secretary Jaime Bautista, ginagawa na ng LTFRB ang mga paraan upang mas maaga na mabayaran ang backlog sa billings sa operators at mga tsuper.

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

Inihayag naman aniya ng bus consortium na bumibilis na ang pagbabayad sa kanila.

Una nang inanunsiyo ng LTFRB na naibayad na nito ang mahigit P400 milyon sa mga EDSA Carousel bus operator.