Pumanaw na ang award-winning actress at tinaguriang “La Primera Contravida” ng Philippine showbiz na si Cherie Gil, pagkukumpirma ng ilang kaibigan sa industriya, Biyernes.

Sa tweet ng talent manager na si Anabelle Rama, pumanaw ang batikang aktres nitong alas-singko ng hapon.

Tsika at Intriga

Chloe, matapang na niresbakan nagsabing niretoke ilong niya

https://twitter.com/annabellerama2/status/1555538809797746689

Sa isang ulat ng GMA News, kinumpirma rin ang malungkot na ulat ng pamangkin ni Cherie na si Kapuso actor Sid Lucero.

Sa kaniyang halos limang dekadang ambag sa pelikulang Pilipino at telebisyon, naitatag ni Cherie ang pangalan bilang isa sa mga premyadang kontrabida sa Philippine entertainment.

Kabi-kabilang pagkilala ang nahakot ng 59-anyos na aktres mula FAMAS, National Commission for Culture and the Arts (NCCA), Gawad Urian, ASEAN International Film Awards, bukod sa iba pa.

Nitong Pebrero ngayong taon, huling napabalita ang premyadang aktres matapos ang pag-migrate Amerika at ang pinag-usapang pag-alis nito sa isang proyekto sa GMA Network.

Sa pag-uulat, hindi pa nababatid ang dahilan ng pagpanaw ng aktres.