BAGUIO CITY -- Muling nagsampa ng kasong anti-graft and corrupt practices si Mayor Benjamin Magalong laban sa mga opisyal ng Baguio City District Engineering Office ng Department of Public Works and Highways (BCDEO-DPWH) dahil sa umano’y iregularidad sa pagtatayo ng isang gusali sa isa sa mga sekondaryang paaralan sa lungsod.

Isinampa ni Magalong ang kanyang 18-pahinang reklamo sa City Prosecutors Office nitong Biyernes ng hapon, Agosto 5, na nanotaryo sa harap ni City Prosecutor Conrado Catral Jr. bilang paghahanda sa pagsasampa sa Office of the Ombudsman.

Ang sinampahan ng kaso ay sina Engr. Rene Zarate, Engr. Glenn Reyes, Engr. Cesario Rillera, Engr.Alfredo Bannagao, Jr., Engr.Tedler Depaynos, Jr., Accountant III Madonna Catipon at Private contractor Romeo Aquino.

Aniya, ang reklamo laban sa mga opisyal at empleyado ng BCDEO at isang pribadong contractor ay lumabag sa Section 3 ng talata E, F, at G ng Republic Act No. 3019 o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ang iba pang mga alegasyon ay mabigat na maling pag-uugali, matindingpang-aabusosa awtoridad, labis na pagpapabaya sa tungkulin, pag-uugaling hindi nararapat sa isang pampublikong opisyal at pag-uugaling nakapipinsala sa pinakamabuting interes ng serbisyo kaugnay ng mga iregularidad sa pagtatayo ng gusali ng paaralan.

Batay aniya ito sa mga ulat ng inspectorate team ng City Buildings and Architectures Office na may petsang Mayo 8, 2018 na nagfa-flag ng mga alalahanin sa mga aspeto ng arkitektura, istruktura, elektrikal at sanitary ng gusali.

Noong nakaraang buwan, isinampa ni Magalong ang kanyang unang kaso sa Ombudsman laban sa BCDEO na nag-aakusa ng graft and corruption para sa “substandard and defective,” development ng isang sidewalk sa kahabaan ng Bonifacio Street.

Nais umano ni Magalong na ang mga aksyong ito ay isang litmus case sa isang tanggapan ng gobyerno na nagsampa ng naturang reklamo laban sa isa pang tanggapan ng gobyerno upang ipakita na seryoso ang local government unit sa pagtigil sa katiwalian.