Tinitingnan ng Commission on Elections (Comelec) na mapataas ang honorarium na ibinibigay sa mga poll workers, karamihan sa kanila ay mga guro, na nagsisilbi sa halalan sa bansa.

"We can just increase, for example, the allowance or honoraria that we give them, especially if we have a budget for that. Instead of the excess budget being used for whatever purpose, we will just give them to teachers or other workers that serve during elections," ani Comelec chairperson George Erwin Garcia sa isang Laging Handa briefing.

Sinabi ni Garcia na isa pang opsyon ay ang pagtaas ng honorarium para sa mga manggagawang sumasailalim sa poll duty training.

"Kung sakali, 'yung mismong itinaas namin na honorarium ay kakaltasan ng buwis, intact pa rin 'yung mismong honorarium na tinatanggap at dapat tanggapin nila sa kasalukuyan," dagdag niya.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Sinabi ni Garcia na bahagi ito ng kanilang pagsisikap na kilalanin ang mahalagang papel ng mga manggagawa sa botohan sa gitna ng desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na i-veto ang panukalang batas na naglalayong ilibre sa buwis ang honorarium ng mga manggagawang ito.

Aniya, nirerespesto nila ang pag-veto ni Marcos Jr. dahil parte ito ng mandato ng pangulo. Sa kabila nito, aniya, tinataguyod nila ang kapakanan ng mga poll worker.

Samantala, nagbigay na ng direktiba ang Comelec upang ipagpatuloy ang pagpapalabas ng Voter's Certification sa lalong madaling panahon matapos itong masuspinde dahil sa sunog na tumupok sa isang bahagi ng pangunahing tanggapan nito sa Maynila noong weekend.

Matatandaan kasi na simula noong Agosto 1, sinuspinde ng Comelec ang pag-iisyu ng voter's certification sa National Central File Division nito dahil sa sunog sa Palacio del Gobernador Building noong Hulyo 31.

"We have already given a directive for the resumption and issuance of the voter's certification. Hopefully, if not tomorrow, by Monday, we can already start issuing certificates of voter registration," Garcia said.

Nais aniya niyang ipagpatuloy agad ang pag-iisyu ng Voter's Certification para sa mga Pilipinong bumibiyahe sa ibang bansa.

"We understand that after we suspended the issuance, many of our overseas Filipino workers weren't able to apply or renew their passports because of it," ani Garcia.