Ispluk ni Darryl Yap na binasura niya umano ang mga research tungkol sa pamilyang Marcos para sa kaniyang pelikulang "Maid in Malacañang."
"I can't do a biopic. Hindi ako ganoon kaseryosong tao Tito Boy pero hindi ko ipapahamak ang sarili ko sa pelikula. So I did research, noong umabot kami ng 50 million [views] sa 'Len-Len,' I already have purpose," sey ni Yap.
"Sinabi ko kay Boss Vic, 'It's already 50 million, let's take people inside Vivamax. Give me a research team.' pero Tito Boy trinash ko lahat ng research. You know why? I don't wanna dwell in it! Ayoko na doon! I want humanity for the Marcoses, they've been projected to be monsters for the longest time. Na parang if you see them, parang iilag ka. Parang Imelda is like super taas or parang Filipino mega-royalty something like that eh," dagdag pa niya.
"So noong nakaresearch na ako, nakakuha akong footages from PTV, from ABC News abroad, from ABS-CBN... so sabi ko, I don't wanna dwell in that. Let's make them human. So paano sila magiging human? Sino ba ang nakakita ng totoong na nararamdaman nila sa mga oras na 'yon? Maliban sa mga sarili nila. Ayan ang mga kasambahay nila," dagdag pa niya.
Kaugnay nito, ibinahagi rin ng direktor ang kaniyang saloobin sa pagbuo ng "Maid in Malacañang."
"So sabi ko gusto kong pag-usapan 'yon. Never ko kasing nakita si Ferdinand at Imelda na galit na galit kay Enrile, galit na galit kay Cory-- 'di ako naniniwala. Sabi ko kahit sinong tao sabihan ka ng hindi magaganda, traydorin ka, iwanan ka sa ere, kapag nakatalikod ka sa camera sasabihin mo 'yung totoo sa pamilya mo. Sa ayaw at sa gusto mo makikita ng tao.
"Is there distortion for personal emotions? is there any historical impact kapag umiyak si Imee Marcos dahil nasaktan niya nung trinaydor ang kanilang ama? Iinvalidate ko ba 'yung pang-aabuso kapag nakita kong nasaktan din si Ferdinand Marcos, Sr? It's polarizing but it's true.
"'Yun ang tanong ko eh kapag sinasabi nilang babaguhin nito ang history, anong nakakapagbagong history kapag pinilit ni Irene si Ferdinand na umalis na tayo rito? May nabago ba ako sa kasaysayan? Kapag ang mga katulong gustong makipagpatayan at makipaglaban sa EDSA, meron ba akong binago sa kasaysayan?
"'Yun ang magiging tanong ko sa mga kasaman ni Direk Joel... the reason they're angry and mad sa mga Marcoses is because they thought Marcoses have no heart. Akala nila ang mga Marcos, kamay na bakal lang at matigas ang puso..."