"Kuya Kim, ano na?"
Kumakalat ngayon sa social media partikular sa Facebook ang screenshot na kung saan makikita na nabiktimaumanosiKapuso trivia master at TV host Kuya Kim Atienza ng isang satire page na nagsasabing siya ang panibagong Dean ng College of Education ng umano'y 'International State College of the Philippines.'
Makikita sa screenshot na ipinost ng isang netizen sa public group na International State College of the Philippines (E-Youth Council) na ishinare ni Kuya Kim ang post ng ISCP na nagsasabing siya ang bagong dean.
"This is a scam, I am not in any way connected to this university if ever there is one. Be careful FB fam," ani Atienza.
"That's satirical po," komento ng isang netizen.
"Are you sure? They are taking in enrolment online," sagot naman ng TV host.
"That school/university does not exist po. That page was created for fun lang po," mariing reply ng netizen.
As of writing, hindi na makita ang naturang post ni Atienza.
AngInternational State College of the Philippines ay hindi nag-eexist sa Pilipinas at maging sa ibang bansa. Ito ay isa lamang satire page na umabot na 125,515 likes.Samantala, umani naman ito ng iba't ibang reaksyon mula sa mga netizen. May mga natuwa at hindi natuwa.
"Jokes these days take into another level. Hindi nakakatuwa. Still, people make fun without thinking the person involve's point of view."
"Kuya Kim natagpuang --"
"langyang Dean na yan na expel kami with my reptilian best friend...pumunta lang naman sana kami saglit sa sun campus para mag siphon ng kaunting plasma..-greetings from transferee of oort cloud campus, disciplinary office..."
"Ang cute nga ni kuya Kim eh Katunayan sya na kahit gano ka katalino, nasasabaw ka rin"
"Pov: binibiro mo classmate mong matalino"
"Walang nakakatuwa, una ginamit yung mukha pangalan at personalidad ng tao na walang permiso. Malamang umalma."
"Which is funnier, Kuya Kim not knowing that it's a fake school or OP not knowing what SATIRE actually means?"
"Kuya Kim is too good for us"
"Sa sobrang talino pati joke di nya tinanggap"
"Sorry po kuya kim idolcakes"
"Ayan bida bida kayo HAHAAHA na notice tuloy"
""if ever there was one" kuya kim just staying away sa liabilities which is understandable. Di naman lahat may time mag troll. Pero kuya kim apply talaga ako pag ikaw."
"Di mo sure. Baka dinogshow din tayo ni Kuya Kim haha"
"Of all the efforts ba naman kase (may logo, uniform, other announcements and stuff) kung napadaan lang talaga ako and not knowing anything mapapaniwala akong totoo e HAHAHAHHA"
"I feel you Kuya Kim. Akala ko din nung una. May paCongratulationspa ako sa kakilala ko sa new dp nya"
"In his defense, akala ko din nung una legit page. Ganda ng pagka layout eh"