Panibagong inisyatiba ang hatid ng isang Kakampink mula Bacolod matapos segundahan ang kaniyang naunang pagbebenta ng bigas sa presyong P20 bawat kilo.

Sa Brgy. Martirez Del 96 Bagong Kalsada sa Pateros sumadya ang si Kakampink101 para magbenta ng tigpipisong itlog

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Nasa 51 pamilya ang napagbentahan ng Kakampink nitong Biyernes, na una niyang binigyan ng mga stub para mas organisado ang pila.

Sa kaniyang Facebook live, makikita ang tuwang-tuwang mga taga-Pateros na nakabili ng murang itlog, kasama pa ang libreng tray.

“Sana po next mas mapadamihan pa natin ang ating itlog para mas marami pa tayong kababayan na makinabang,” maririnig ang Kakampink sa kaniyang Facebook broadcast.

Ibinebenta man sa halagang piso, tulong talaga aniya ang intensyon ng inisyatiba na layong maibsan ang pagsirit ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado kagaya ng itlog.

Ilan netizen naman ang mababasang nagre-request kay Kakampink101 na bumisita sa kanilang lugar, bagay na layon din ng naturang vlogger ngunit sa ngayon ay aminado siyang limitado lang ang kaniyang pondo.

Basahin: Posible pala? Vlogger na Kakampink, nagbenta ng ₱20 per kilo ng bigas – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa kabila nito, naniniwala ang Kakampink na posible ang lahat ng bagay sa pagtutulungan ng lahat.

“Napaka-posible po talaga. Alam niyo kung bakit? Kasi marami po tayong kababayan na sila po mismo ang nagpapaabot ng tulong. Sila mismo ang nagsasabi na, ‘Sige tuloy mo ‘yan.’ Sila mismo ang sumusuporta sa ating adhikain,” aniya.

“Ang nakikita ko rito, posible ang lahat [kung] tayo ay magtutulungan tayo,” dagdag niya.

Sa darating na Linggo, nakatakda namang magbenta ng nasa 100 kilong tilapia ang Kakampink vlogger.