Pinatutsadahan ng public historian na si Xiao Chua ang 'Maid in Malacañang' director na si Darryl Yap tungkol sa naging pahayag nito na hindi siya naniniwalang dapat maging propesyon ang pagiging historian.

"Being a historian SHOULD not be a profession?" panimula ni Chua sa kaniyang tweet nitong Huwebes, Agosto 4.

"I am just an ordinary person but with whatever little power I have, I will give my middle finger to you," dagdag pa niya.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

https://twitter.com/Xiao_Chua/status/1555173567339278336

Sa panayam ni Yap sa "The Interviewer" ni Boy Abunda, sinabi nito na ang "lahat ng tao ay historian."

"Sa tingin ko, lahat ng tao naman ay historian eh. Sa palagay ko, lahat tayo, may pinanghahawakan sa kasaysayan, at may iba-iba tayong tingin sa kasaysayan. Hindi kayang ikulong ng libro o ng isang panulat o ng isang historian ang sa palagay mo’y nangyari," aniya.

Hindi naniniwala ang direktor na dapat maging propesyon ang pagiging historian.

"I don't believe that historians should be a profession. I believe that historians are researchers. Masisipag sila na kumakalap ng mga impormasyon pero para sabihin na lahat ng isusulat nila ay 100% true at walang personal interpretation, ‘yun ang hindi ko matatanggap.

"Kasi lahat ng tao, para makapagsulat ka, makapag-compile ka meron at meron kang emotional attachment at 'yun ang nagiging bias mo," dagdag pa niya. 

Dahil sa pahayag niyang ito, pwede raw magalit sa kaniya ang mga historians ngunit naniniwala siyang lahat ng tao ay may take tungkol sa kasaysayan.

“Kaya tayo nananatiling may diskurso. Kaya ang history ay hindi natatapos isulat dahil may mga bagong lumalabas na datos, may mga bagong lumalabas na kaganapan dahil lahat ng mga historyador ngayon ay wala noong panahon ng kanilang kinukuhaan ng kasaysayan," saad pa ng direktor.

Matatandaan na nagsimula ang usapin tungkol sa kasaysayan mula noong nabanggit ng aktres na si Ella Cruz na ang "history is like tsismis."

“History is like tsismis. It is filtered and dagdag na rin, so hindi natin alam what is the real history. Naro’n na yung idea, pero may mga bias talaga. As long as we are here at may kaniya-kaniyang opinion, I respect everyone’s opinion,” saad umano ni Ella.

“Kasi struggling na eh, last three days! Kahit naman sila struggling right now, ‘di ba? Paano kaya iyon na there so much pressure on their side during those times?”

Basahin:https://balita.net.ph/2022/07/02/history-is-like-tsismis-ella-cruz-ibinahagi-ang-natutuhan-bilang-irene-marcos-sa-maid-in-malacanang/