"She's very sweet" ganiyan inilarawan ng kontrobersyal na direktor na si Darryl Yap si Quezon City Mayor Joy Belmonte nang mag-courtesy call ito sa alkalde bago ang premiere night ng pelikula niyang "Maid in Malacañang" noong Hulyo 29.

Sa kaniyang panayam sa "The Interviewer" ni Boy Abunda, napag-usapan ang tungkol sa resolusyong inihain ni datingQuezon City District 4 Councilor Ivy Lagman na nagdedeklara bilang 'persona non grata' kina Yap at sa aktres na si Ai Ai Delas Alas.

Dahil umano ito sapambabastos sa Quezon City triangular seal, sa lumabas na campaign material para kay mayoral candidate at Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/06/08/ai-ai-delas-alas-darryl-yap-tinuluyan-nang-maging-persona-non-grata-sa-qc/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/06/08/ai-ai-delas-alas-darryl-yap-tinuluyan-nang-maging-persona-non-grata-sa-qc/

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

Ayon kay Yap, gusto raw niyang ganapin ang premiere night ng 'Maid in Malacañang' saSM North EDSA The Block saQuezon City para magkaroon ng courtesy call kay Belmonte.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/26/darryl-yap-nag-courtesy-call-kay-qc-mayor-joy-belmonte/

Una raw ay gusto ng ViVa na ganapin ito sa SM Megamall dahil doon karaniwan ginaganap ang mga premiere night.

"Sabi ko boss [Vic Del Rosario], kung lalapit ako kay Mayor Joy at lalapit lang ako mukhang magsosorry ako. But if I go there as courtesy because I'm doing the premiere night in her city, it's all professional," sey ni Yap.

Kuwento pa niya na pagpasok niya sa Quezon City Hall, marami umano ang nagpapa-picture sa kaniya. At nang magkita sila ni Mayor Belmonte, tinanong niya ito kung nag-eexpect ba ito ng apology mula sa kaniya.

"So we were talking, I was trying to ask her 'are you expecting an apology po ba mayor because if you are I can say naman' sabi ko 'are you expecting me to say sorry to you?'" aniya.

Tugon daw ng alkalde ay hindi ito apektado sa nangyari dahil nasa ibang bansa ito nang maipalabas ang parody campaign video.

Ayon kay Yap, very sweet daw si Mayor Joy. Aniya, sinubukan din daw niyang mag-apologize.

"She's very sweet... well I want to [apologize] she wanted the meeting to be a start not an end parang ganun ang dating. I was very impressed and honestly gusto kong mag-apologize kahit nung pahiwalayna kami sa elevator, I tried but she's dodging it I don't know... parang kina-cut na niya ako," kuwento ng direktor.