Kinilig umano ang 'Maid in Malacañang' director na si Darryl Yap nang maprovoke niya ang batikang direktor na si Joel Lamangan. 

"Kinilig ako kasi sa loob-loob ko pucha ano na ako nakaka-provoke ng Joel Lamangan may ganun ako eh. Because he is one of the gods, that's how I see him. I attended his master's class and I know he'll retaliate because during that master's class, he talked for three hours about Martial Law and not about film," ispluk ni Yap sa kaniyang panayam kay Boy Abunda na umere nitong Huwebes, Agosto 4.

"So alam ko talaga na he's very passionate about it. But sa tingin ko lang medyo sumobra when it comes to 'pera ng taumbayan' something like that because parehas kami gumagawa sa ViVa," dagdag pa niya.

Diretsang itinanong ni Abunda kung ang perang ipinang-produce ng pelikulang 'Maid in Malacañang' ay galing sa pera ng bayan.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

"Ang context kasi ng pera ng bayan galing sa bayan eh pero hindi galing sa buwis. Ang pera ng ViVa ay pera sa pagtangkilik ng tao so sa tingin ko sana ganoon ang interpretasyon ni Direk Joel pero kasi I think ViVa is offended with that because the producer is Boss Vic [Del Rosario] and Senator Marcos is our creative producer meaning ang ambag niya na dito ay yung kuwento nila," ani Yap.

Wala raw ipinasok na pera si Senador Imee Marcos sa pelikula bukod sa pagpayag sa paggamit ng istorya ng mga Marcos, pagpapahiram ng mansyon nila, at mga gamit ng nanay niya.

Kaugnay nito, napaisip si Yap kung magaling daw ba si Lamangan.

"Honestly Tito Boy noong narinig ko 'yun gaya ng sinabi ko na kinilig ako and noong habang nagsisink in sa akin, I am starting to think if he's really magaling. I am starting to think that way. I don't think it in very mayabang manner pero sabi ko ito isa sa mga hero ko, kaya pala you must not meet your heroes eh 'no. 

"So ako inisip ko itong manlilikha ng pelikula na ito, na idolo ko, nagsasalita sa pelikulang: Una, hindi niya pa napapanood; pangalawa, hindi pa tapos. Sabi ko, hinayaan ni Direk Joel na mauna ang kaniyang emosyon kaysa sa kaniyang utak pagdating ganito? All artists are emotional I get that. 

"Pero doon ako nagduda na para saan yung statement na 'yun? kasi everytime I make a statement kailangan merong para saan, para kanino, anong mahihita ko dito 'no. So nung naisip ko 'yun ang unang pumasok kaagad sa akin Tito Boy, ito ba ay promotion para sa parating niyang pelikula, ito ba ay para hindi kumita ang pelikula ko? Kapag inaabogado ko siya sa sarili ko lahat negative eh. Wala akong makita na ito ba ay ginagawa ni Direk Joel para makatulong sa ViVa, kumita ang Maid in Malacañang? Hindi eh. 

"So I started doubting kung ano ang nasa isip ngayon ni Direk Joel kasi if you're going to ask me I'm not hurt. Not a bit. I'm super kilig the way he sees Maid in Malacañang," paglalahad ng 'Maid in Malacañang' director.

Ispluk pa ni Yap, nakikita raw niyang "selfish" si Lamangan.

"I find Direk Joel very selfish. He has the monopoly of stories and the truth. No offense to other old people but I think he's old na to do that. I mean tayo kapag nandoon na tayo sa isang bahagi ng buhay natin, na wala na tayong kailangan patunayan pero may ipinaglalaban ka, puwede mo gawin yun Tito Boy nang hindi ka nangmamaliit ng tao, nanghahamak, o nagsasabi ng kasinungalingan. Paano siya nakakasiguro na irerevise rito ang history? Paano siya nakakasiguro na hindi inacknowledge ng Maid in Malacañang ang mga abuso, ang mga pag-iwan ng pera, ang pagkakaroon ng maraming sapatos? 

"Kaya ako, nag-isip ako na nag-isip ba si Direk Joel? Baka mapahiya siya kapag napanood niya ang pelikula," aniya.

Matatandaan na noong Hulyo 21, pinatutsadahan ni Lamangan ang pelikula ni Yap.

“Kailangan balikan natin kung ano nga ang intensyon ng pamilya ito at gustong bumalik nanaman sa Malacañang. Malinaw naman na sinasabi nila, gusto nilang takpan kung anuman ang nangyari na ginawa ng tatay nila. Sinasabi yan ni Imee Marcos, sinasabi nilang lahat… upang takpan ang lahat ng katarant*duhan na ginawa ng pamilya nila,” paunang sabi ng batikang direktor.

“Lahat ng gagawin nila, kung anumang programa ang gagawin nila ay upang takpan ang kawalanghiyaang ginawa ng kanilang ama at ng kanilang pamilya. Yun ang paniniwala ko at yun ang ineexpect kong gagawin nila dahil yun talaga ang nais nilang mangyari,” aniya.

“Nag-uumpisa na sila. Gumawa sila ng pelikulang katar*nt*duhan, pera ng bayan yan… Anong drama yun? Drama ng pagtatakip para kaawan ng tao yung pamilyang yun. Ang tawag nga doon sa mga pumunta ng Malacañang noong panahon na yun, akyat bahay daw? Inakyat ang Malacañang, akyat bahay. Tingnan mo? Nag-uumpisa na sila.

“Dapat hindi natin ito palagpasin. Dapat tingnan ulit natin ito bilang distortion ng katotohanan. Nag-uumpisa na sila. Dapat mulat tayong lahat,” paglalahad pa niya.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/07/21/joel-lamangan-may-patutsada-sa-maid-in-malacanang-gumawa-sila-ng-pelikulang-katarntduhan-anong-drama-yun/