Magkahiwalay na inalala ng celebrity ex-couple Aljur Abrenica at Kylie Padilla ang ikalimang kaarawan ng kanilang panganay na si Alas.

Sa isang Instagram post, Huwebes, nagpaabot ng mensahe ang ama sa kaniyang anak na aminadong hindi niya nakapiling sa espesyal na araw nito.

“Happy Birthday Anak. Hindi man tayo magkasama Pero Alam ko naging makahulugan at masaya ang araw mo. Hindi mo alam ang dami mong napapaligaya na tao,” mababasa sa IG post ni Aljur.

Nagpasalamat din ang aktor sa mga natutunan kay Alas bilang isang ama.

Tsika at Intriga

Sam, pinalagan batikos sa It's Showtime matapos manalo ni Sofronio

“Papa will always be here for you. Proud ako at Ako na muna swimming coach mo sa ngayon.”

Sa hiwalay na Instagram update nito ring Huwebes, ibinahagi ni Kylie ang simpleng selebrasyon ng birthday ni Alas.

“Happy birthday to my panganay. 💙🌸 We love you,” mababasa sa post ni Kylie.

Noong 2021 nang mabunyag sa publiko ang pinag-usapang hiwalayan ng celebrity couple.

Basahin: Manay Lolit, nalungkot para sa dalawang chikiting nina Aljur at Kylie; aktor, magkaka-baby na rin kay AJ? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid