Naitala sa CARAGA region ang pinakabatang nabuntis sa edad na 10 taong gulang.

Ayon sa ulat ng Brigada News FM Butuan, kinumpirma umano ng Commission on Population (PopCom) Caraga na mayroong kaso ng pinakabatang nabuntis sa rehiyon.

Tinutukoy umano na dahilan ni Alexander Makinano, Regional Director ng PopCom Caraga, ay ang kakulangan ng edukasyon tungkol sa pakikipagrelasyon at pakikipagtalik.

Habang isinusulat ito, wala pang detalye kung ano ang kalagayan ngayon ng batang babae.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Samantala, hinihikayat ng mga opisyal ng Caraga ang mga magulang na tutukan at gabayan ang kanilang mga anak upang maiwasan ang maagang pagbubuntis.