May kakaibang ikinikilos umano ang suspek sa naganap na pamamaril sa campus ng Ateneo De Manila University na si Dr. Chao Tiao Yumol, kaya ipinagpaliban muna umano ang pagbasa ng sakdal dito.
Ayon sa mga awtoridad, mismong kampo ni Yumol ang humiling na i-postpone muna ang pagbasa ng sakdal dahil tila wala sa tamang pag-iisip ang suspek. Kaya naman, inilapat ng Quezon City Regional Trial Court Branch 98 ang arraignment kay Yumol sa Setyembre 16.
Ayon sa panayam kay Prosecutor General Benedicto Malcontento, may discretion ang Quezon City Regional Trial Court kung papayagang sumailalim sa psychiatric examination o evaluation ang suspek upang matiyak na wala nga ito sa tamang pag-iisip, kaya kakaiba ang ikinikilos habang nasa bilangguan.
Bago nito, nag-plead ng "not guilty" si Yumol para sa kasong malicious mischief at illegal possession of a firearm, sa kaniyang arraignment sa pamamagitan ng video conference sa Quezon City Metropolitan Trial Court Branch 133.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/30/yumol-inilipat-na-sa-bjmp-detention-facility-sa-qc/">https://balita.net.ph/2022/07/30/yumol-inilipat-na-sa-bjmp-detention-facility-sa-qc/
Nahaharap sa patong-patong na kaso ang doktor matapos ang pamamaril at pagkakapatay ng tatlong biktima habang nagaganap ang graduation ceremony ng Ateneo law school. Dead on arrival ang dating mayor ng Lamitan, Basilan Mayor Rose Furigay.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/24/suspek-sa-pagpatay-sa-dating-lamitan-mayor-3-beses-akong-pina-ambush-ng-pamilyang-ito/">https://balita.net.ph/2022/07/24/suspek-sa-pagpatay-sa-dating-lamitan-mayor-3-beses-akong-pina-ambush-ng-pamilyang-ito/