Pinasalamatan ni Senador Pia Cayetano si Senador Robin Padilla dahil sa pagiging gentleman umano nito.
Sa kaniyang Facebook post nitong Miyerkules, Agosto 3, nag-upload si Cayetano ng ilang mga larawan na kung saan makikita na tinutulungan siya ni Padilla na bitbitin ang mga visual aids na gagamitin niya.
"Special thanks to our gentleman in the Senate, Sen. Robin Padilla, for offering to carry my visual aids during my privilege speech on #sustainability," saad ng senadora.
Ibinahagi rin niya na nagbigay siya ng mga bamboo tumblers sa kapwa niyang mga senador upang makatulong sa kalikasan.
"In the previous Congress, I gifted my fellow senators bamboo tumblers to encourage them to do away with plastic PET bottles during our sessions & hearings, as a way to help save our #environment," aniya.
"I’m so proud that until now, some of them still use their tumblers. And for the sake of the new senators in the 19th Congress, I gave all of them new tumblers, so we can continue promoting sustainable practices in our own institution," dagdag pa niya.
Pinasalamatan din niya ang kaniyang mga colleagues dahil sa suporta nila sa kaniyang adbokasiya.
"I thank my colleagues for being fully supportive of my advocacy. I hope that the measures we pass in this current Congress will reflect our shared vision of creating a more sustainable country for future generations."