Ibinahagi ng ViVa Films at VinCentiments na kumita ng₱21 milyon ang pelikulang "Maid in Malacañang" sa opening day nito kahapon, Agosto 3.

"P21 MILLION na pasasalamat sa aming opening day! #MiMDay2Showing here we come! Pumila na ng maaga dahil we are SHOWING in OVER 200 CINEMAS nationwide! More cinemas to come! #MAIDinMALACAÑANG," ayon sa ViVa Films.

Samantala, pinatutsadahan ng VinCentiments ang mga 'pinklawans.'

"Kahit pa kunwari di maintindihan ng mga pinklawans ang pre-selling at block screening, pinalalabas na libre ang tickets at namimilit kunô, tanggap na namin yang bitter reasons nila para mas lalo silang malugmok sa inggit. hihihi," sey nito sa kanilang Facebook post nitong Huwebes, Agosto 4.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Tila nananawagan ang VinCentiments sa 31 million na, bumoto kay Pangulong Bongbong Marcos.

"Pero yung AKALA KO BA 31 MILLION ang boto! BAKIT 21 MILLION LANG YAN? bahala na kayo," saad nito.

Patutsada pa ng VinCentiments, "May pang-mahjong na kami... sino babakas?"

Matatandaan na naging isyu umano ang tungkol sa mahjong nang ilabas ng ViVa Films ang teaser ng isa sa mga eksena sa Maid in Malacañang kung saan makikita na nakikipaglaro ng mahjong si dating Pangulong Cory Aquino sa mga madre.

Naglabas naman ng pahayag ang Carmelite Monastery sa Cebu City tungkol sa eksenang ito.

"Well-meaning friends have brought to our attention pictures, supposedly coming from the film Maid in Malacañang, which are now trending on social media. The pictures depict the late Cory Aquino together with some religious sisters. The nuns are not wearing our brown religious habit. But if these pictures are portraying the events of February 1986, then the allusion to the Carmelite Order in Cebu is too obvious for anyone not to see,” ayon kay Sister Mary Melanie Costillas, prioress ng Carmelite Monastery sa Mabolo, Cebu.

"“The attempt to distort history is reprehensible. Depicting the nuns as playing mahjong with Cory Aquino is malicious. It would suggest that while the fate of the country was in peril, we could afford to leisurely play games,” aniya pa.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/02/carmelite-monastery-sa-mim-this-unity-can-only-be-built-on-truth-and-not-on-historical-distortion/

Kaugnay na Balita: https://balita.net.ph/2022/08/02/darryl-yap-sa-carmelite-nuns-wala-pong-masama-sa-mahjong/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/08/02/darryl-yap-sa-carmelite-nuns-wala-pong-masama-sa-mahjong/