Ibinahagi ng singer-songwriter at dating vice-president for community relations ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na si Jimmy Bondoc na nasunog ang kaniyang studio gayundin ang mga musical equipment na narito, na aabot sa milyong piso ang halaga.

Ibinahagi ni Bondoc sa kaniyang Facebook post noong Agosto 2 ang ilang mga larawang kuha mula sa kaniyang nasunog na studio. Makikitang tustado na ang mga piano, gitara, at maging ang aircon. Huwag raw mag-alala ang mga tagahanga at tagasuporta dahil ligtas naman sila.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

"Just had a fire in my studio. We are safe. But lost so much of the equipment I have worked so hard for over the years!

The Lord giveth, the Lord taketh away. I am blessed to be alive. Asking for your prayers," ani Bondoc.

Sa halip na tulungan siya, mas minabuti na lamang makiusap ni Bondoc sa publiko na ibigay at ipahatid na lamang ang tulong sa mga kaibigan niya, gaya nina Atty. Bruce Rivera na nasa comatose condition pa rin hanggang ngayon at palaki nang palaki ang hospital bills, at iba pang mga personalidad.

"Kahit nasunugan po ako, ang dami pong mabuting tao. Siguro po, I lost a million pesos worth of equipment. Ang dami tuloy gusto tumulong. Wag n'yo sana isipin na nagpapaka 'banal' ako. Pero yung gamit, kakayod na lang ako para mabawi," aniya.

Kaagad ding nagsagawa ng Facebook Live si Bondoc upang ipakitang nasa maayos na kalagayan sila.

Mukhang nag-ugat ang sunog sa electrical wirings dahil nagbahagi pa siya ng tips tungkol dito.

"If you hear clicking noises daw po from electrical outlets or switches, turn off the fuse and call an electrician immediately. Loose wires usually cause these fires, as I've been recently taught. The constant plugging-unplugging can cause this, and eventually.. well, ito na nga," aniya.

Bukod dito ay nagbigay rin ng ilang repleksyon si Bondoc kaugnay ng nanganap na sunog.

"Random Reflections sa Sunog, sana ok lang sa inyo ang pagbahagi ko:

"(1) Mula nung nawala si Daddy sa buhay namin, wala nang sakit na kasing sidhi ng pagkawala niya. In a way, parang immune na rin ako sa debilitating pain;"

"(2) Totoong-totoo yung 'basta walang nasaktan.' Isipin n'yo, we could be grieving right now. Instead, we are now just cleaning up, a far better option;"

"(3) Not to be political ok? Pero, kaya siguro grabe umaksyon sila Sen Bong Go at PRRD sa mga nasunugan. Iba kasi ang level ng sense of loss sa sunog. Lalo na sa kapus-palad. The sense of loss feels absolute, unless you counter it with hope;"

"(4) Hindi ako masyado nagdadalamhati, kasi malinaw na malinaw sa akin na we will eventually lose all of these things, when we die, or through other life events. In short, pag namatay ka, wala na lahat 'yan. Nauna nga lang ngayon ang pagkawala ng gamit ko kesa sa buhay ko. Ok na rin;"

"(5) I am encouraged more to help someone else. It is the only balm that will soothe whatever wounds of loss we have suffered now."

Pahabol pa niya, kahit na may malulungkot na pangyayari sa buhay, piliin pa ring maging masaya.

"I am sending my gratitude to all of you, sa mga tumutulong, at sa mga tumatawag dahil sa pag-aalala. I love this Life. We are so blessed to be here. Thank you for your embrace. Strive to be happy."