Pinabulaanan ni Anne Nelson, may-akda ng artikulo na "In The Grotto of the Pink Sisters" noong 1989, ang pahayag ng direktor ng kontrobersiyal na pelikulang "Maid in Malacañang."

Matatandaan na binanggit ng VinCentiments ang artikulo ni Nelson bilang pinagmulan sa likod ng kontrobersyal na eksena sa mahjong ng yumaong dating pangulong Cory Aquino at mga madre ng Carmelite noong EDSA.

“Narito po ang bunga ng research ng Team Darryl Yap. In this 1988 Magazine (from Page 19), mababanggit po ang pangalan ng pinakamalapit na Madre kay President Cory, her name was SISTER CHRISTINE TAN, mababanggit din po dito na siya ay nagmamahjongg," caption sa isang post.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Pinalagan naman ito ni Nelson at sinabi na sa artikulo, tinutukoy ang “Pink Sisters” na mga madre sa Grotto of the Sisters of Perpetual Adoration kung saan madalas pumunta si Aquino para magnilay at magdasal. Isinalaysay nito kung paano naging malapit si Aquino kay Sister Christine Tan.

"I wrote 1) she visited the Pink Sisters to pray; 2) she was a friend of Sister Christine Yap; 3) Christine Yap gave talks to affluent women who sometimes played mah-jongg. No mention of Aquino or Yap playing mah-jongg," pahayag ni Nelson sa isang tweet.

https://twitter.com/anelsona/status/1555022524471279617?s=20&t=I2M1r3bdcgSe4fRnaFwU2w

Ipinagtanggol ni Yap noong Martes ang eksena sa 'kanilang pananaliksik' sa pamamagitan ng pag-highlight ng mga salitang "mah-jongg" at "Pink Sisters" mula sa nasabing artikulo.

Samantala, sinabi rin ni Ballsy Aquino Cruz, ang panganay na anak ni Aquino, na ang kanyang ina ay hindi kailanman naglaro ng mahjong noong EDSA revolution at sa kanyang pagkapangulo.