Tiniyak ni Department of Transportation (DOTr) chief Jaime Bautista nitong Huwebes na itinabi na ng Department of Budget and Management (DBM) ang pondo para sa ipinagkakaloob na libreng bus ride program ng pamahalaan hanggang sa Disyembre, 2022.
Ang pagtiyak ay ginawa ni Bautista matapos na matanong sa isang panayam sa telebisyon kung may sapat na pondo ang pamahalaan para sa libreng sakay sa EDSA Bus Carousel hanggang sa Disyembre.
“Meron na po tayong pondo. Nakapag-set aside na po ang Department of Budget [and Management],” ayon pa kay Bautista.
Hindi pa naman matukoy ni Bautista kung maaari pang palawigin ang libreng sakay hanggang sa susunod na taon.
“Sa ngayon po, ang Libreng Sakay up to December 31, 2022 lang po,” aniya pa.
Sa ilalim ng Libreng Sakay program, umuupa ang pamahalaan ng mga bus upang magkaloob ng libreng sakay sa mga commuters.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/03/ovp-inilunsad-ang-libreng-sakay-program/