Baguio City -- Timbog ang apat na high value target sa isang pinaghihinalaang drug den sa Baguio City noong Miyerkules, Agosto 3 sa Irisan, Baguio City.

Sa bisa ng search warrant na inisyu ng korte, magkasanib-pwersa ng mga tauhan ng Irisan Police Station, National Bureau of Investigation at Philippine Drug Enforcement Agency-Baguio field office, ay hindi nakapalag ang mga suspek sa sopresang pagsalakay, kasama ang mga representative ng barangay, Department of Justice at media.

Kinilala ni Col.Glenn Lonogan, City Director ng Baguio City Police Office, ang nadakip na sinaCherryl Asim, 37, ng San Vicente, Baguio City;Marivic Rodriguez, 56;Carlito Javier, 43; at Joel Sales, 36, mga pawang taga San Carlos Heights Extn., Irisan, Baguio City.

Nakuha sa loob ng bahay ang anim na piraso ng heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng white crystalline substance na hinihinalang shabu at may timbang na 18 gramo at may Standard Drug Price na P122,400.

Probinsya

Labi ng dalagang inanod ng baha noong bagyong Kristine, natagpuan sa isang creek

Narekober din ng pulisya ang iba pang mga drug paraphernalia.

Ayon kay Lonogan, matagal ng sinusubaybayan ng pulisya ang mga suspek at lugar na kanilang ginagawang drug den, na base din sa impormasyon mula sa concerned citizen.