Hindi pa raw posible sa ngayon ang ₱20 kada kilo ng bigas, ayon kay Senador Cynthia Villar.

Ipinaliwanag ng senadora na ang presyo ng palay ay nasa ₱11.50 kada kilo na dodoble sa ₱30 kada kilo kapag matapos itong gilingin. 

Ayon pa sa kanya, ang presyo ng giniling na bigas ay tumataas dahil sa gastos sa transportasyon, kita ng magsasaka, at kita ng rice traders, dahil ang isang kilo ng bigas ay nagkakahalaga ng mahigit ₱30.

Sa Pilipinas daw ay binibigyang-pansin ang bigas bagama't hindi ito competitive at price-wise, kumpara sa ibang bansa gaya ng Vietnam kung saan ang presyo ng isang kilo ng palay ay umaabot lamang sa ₱6 ang kilo.

Padilla, binara si Castro kontra VP Sara: 'Ipagpaliban muna maduming pulitika!'

Kaugnay nito, umapela ang senadora sa gobyerno na turuan ang mga magsasaka kung paano gumawa ng sarili nilang fertilizer slots at bigyan sila ng composting machine upang mabawasan ang halaga ng mga produktong pang-agrikultura dahil sa mamahaling pataba na isa rin sa kinakaharap ng mundo.

Kasunod ng mga panawagan para sa pagpapawalang-bisa ng Rice Tarrification Law, itinanong ni Villar kung anong bahagi ng batas ang nais amyendahan upang gawing liberal ang pag-angkat ng bigas.

Matatandaan na noong May 2022 national elections, sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos na nais niyang ibaba sa ₱20 ang kilo ng bigas.